BAKIT NALUGI ANG RAMON T. TULFO CARGO SA UAE?

RAPIDO ni PATRICK TULFO ILANG linggo na ang nakararaan nang padalhan ako ng mensahe ni Maribel Galindez, ang business partner ng aking ama sa RTT Cargo na nakabase sa Dubai, UAE. Ayon sa mensahe ni Galindez, mas malaki ang gastusin kaysa kita mula sa pinapadalang cargo ng mga OFW sa UAE. Nitong nakaraang Agosto lamang ay nagpunta ako sa Dubai kasama ang aking ama at si Mr. Joel Longares, ng ATLAS Brokerage and Express Padala, upang makita ang kanilang operation doon. Dito nadiskubre ni Mr. Longares na napakalaki ng overhead…

Read More

PARANGAL AT PASSPORT ON WHEELS PARA SA QUEZONIANS

TARGET ni KA REX CAYANONG KINILALA ng pamahalaang panlalawigan ang tagumpay ng mga atletang nagdala ng karangalan sa Quezon. Ayon kay Gov. Helen Tan, ang kanilang husay, sipag, at dedikasyon ay nagpapakita ng diwa ng pagiging tunay na Quezonian. Isang pagpupugay kay Peter Cyrus Dean ng Lucena na itinanghal na bronze medalist sa 45th Southeast Asia Age Group Aquatics Championships sa Jakarta, Indonesia noong Agosto 22-27, 2023. Isa rin siyang doble gold medalist sa katatapos lamang na 63rd Palarong Pambansa ng Pilipinas. Hindi rin dapat kalimutan si Coach Rochelle Yacob…

Read More

DOT PROJECT SA ORIENTAL MINDORO SUPORTADO NG KAMARA

BALYADOR ni RONALD BULA SUPORTADO ni Romblon Lone District Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairman ng House Committee on Tourism, ang plano ng Department of Tourism (DOT) na maglatag ng mga proyekto para sa Oriental Mindoro matapos ang nangyaring oil spill sa karagatan ng nasabing lalawigan. Ayon kay Madrona, maganda ang plano ni Department of Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco para sa Oriental Mindoro pagkatapos ng mala-trahedyang gumimbal sa nasabing lalawigan bunsod ng nangyaring oil spill kung kaya’t nakatakdang buhayin ng DOT ang turismo sa nasabing lugar. Naniniwala…

Read More

SERBISYO NG BATELEC SA BATANGAS, INALMAHAN NG CONSUMERS

UMALMA na ang mga residente ng iba’t ibang bayan ng Batangas sa umano’y hindi maayos na serbisyo ng Batangas Electric Cooperative (Batelec) bilang kanilang electric power provider. Halos iisa ang idinadaing ng kanilang consumers, ang malimit na brown-out sa kani-kanilang lugar at ang mataas na singil nito. Ayon sa mga residente, malaking perwisyo sa kanila ang mga biglaang nangyayaring brown-out at maging ang mga schedule brown-out na kalimitan ay tumatagal ng maghapon at magdamag. Ayon sa negosyanteng si Nina Bilogo ng Taysan, Batangas, may-ari ng isang piggery, apektado ng brown-out…

Read More

LALAKI INUTAS SA MGA UTANG

QUEZON – Bunsod ng umano’y mga pagkakautang na hindi nababayaran, pinagbabaril ng apat na kalalakihan ang isang lalaki sa Sitio Balsi, Brgy. Pagsangahan, sa bayan ng San Francisco, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ricky Verdida Aniban, 45, residente ng lugar. Ayon sa report ng San Francisco police, dakong alas-3:00 ng hapon nang harangin ng suspek na isang alias “Gilbert”, kasama ang tatlo pang hindi kilalang lalaki, ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo at angkas ang kanyang asawa. Matapos patigilin, pinababa at pinagbabaril ng…

Read More

6 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN SA QUEZON

QUEZON – Anim ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Balubad sa bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito, pasado alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles. Ayon sa report ng Atimonan police, ang mga nasangkot sa karambola ay isang Toyota Avanza na minamaneho ni Eugene Anthonue Sarino Palostre, 32; isang Isuzu Rebuilt Jitney na minamaneho ni Ramelito Perez Lucila, 51, at isang dump truck na minamaneho naman ni Loreto Boria Bernardino, 45-anyos. Batay sa imbestigasyon, nasalpok ng dump truck ang hulihang bahagi ng jeep habang…

Read More

BI NAALARMA SA PAGDAGSA NG SEX OFFENDERS

NAALARMA ang Bureau of Immigration (BI) sa sunod-sunod na pagdating o pagdagsa ng sex offender sa mga paliparan sa bansa, ayon sa impormasyong nakalap sa pamunuan ng ahensiyang ito. Noong nakaraang linggo, sunod-sunod na sex offenders ang pinabalik ng mga tauhan ng BI sa kanilang port of origin, upang maiwasang mabiktima ang mga menor de edad sa bansa. At noong Miyerkoles, dalawang magkasunod na convicted American pedophile ang hinarang ng mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong panghahalay sa batang babae sa kanilang lugar.…

Read More

TRIKE DRIVER BUKING SA OVERCHARGING

NABUKING ang umano’y over-charging sa dayuhang pasahero ng isang 33-anyos na tricycle driver makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa kawalan ng lisensya at paglabag sa batas trapiko sa Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Joselito Ortiz, binata, ng Baseco Compound Port Area, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Intelligence Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, inaresto ng mga tauhan ng MTPB ang suspek dakong alas-dos ng hapon…

Read More

P1K to P3,500 multa sa late filing LAST DAY NG SOCE FILING SA COMELEC DINAGSA

NAGKAROON ng bahagyang tensyon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Manila nang dumagsa ang mga kandidato sa huling araw ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) filing noong Miyerkoles, Nobyembre 29, 2023. Umalma at nagulat ang libu-libong kandidato ng chairman at kagawad sa BSKE 2023 Elections sa anim na distrito ng Maynila, na halos limang oras naghintay sa pila, nang ianunsyo umano ng Comelec na kung hindi aabot sa deadline na itinakda ng poll body, sa main office sa Intramuros na lang pumunta sa sunod na 15-araw…

Read More