CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang bigtime tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang naaresto na si alyas “Armando”, nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng Dasmariñas City Police. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerwin Anacan ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police Station,…
Read MoreAuthor: admin 5
BABAE PATAY SA PAGSABOG NG PABRIKA NG PAPUTOK
BULACAN – Patay ang isang babaeng trabahador ng pagawaan ng paputok nang sumabog ang mga sangkap na pulbura sa Barangay Bunlo, sa bayan ng Bocaue, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Riza Villanueva, 45-anyos. Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, gumagawa ng kuwitis si Villanueva nang aksidente itong sumabog. Sa lakas ng pagsabog, nasunog ang malaking bahagi ng katawan ng biktima at naputol ang kaliwang binti. Agad itong isinugod sa ospital ngunit namatay dahil sa mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha.…
Read More2 PATAY, 14 SUGATAN, SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN
SOUTHERN CEBU – Dalawa ang patay habang 14 ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng pampasaherong bus, dalawang motorsiklo at isang cargo truck sa national highway sa Barangay Uling, Naga City, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Naga City Police, nangyari ang aksidente dakong alas-10:45 ng umaga, nang magkarambola ang limang sasakyan na nagsimula sa delivery truck. Kinilala ang mga namatay na sina Waynares Dien Parame, 23, driver ng motorsiklo, at ang helper ng truck na si “Junior”. Base sa CCTV footage, patungo ang truck sa…
Read More4 BATA PATAY SA SUNOG SA CEBU CITY
CEBU CITY – Apat na bata na may mga edad na 10, 6, 1 taon gulang, at isang 11-buwang sanggol ang namatay sa sunog na tumupok sa limang kabahayan sa Sitio Upper Capaculan, Barangay Tisa, sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng umaga. Ayon kay Senior Fire Officer 2 Wendell Villanueva, spokesperson ng BFP-Cebu City, natutulog ang mga bata sa kanilang bahay nang sumiklab ang sunog. Kinilala ang magkakapatid na mga biktima na sina Angelo Bayaton, 10; Crylle Bayaton, 6, ang isang taong gulang na si Christina Bayaton, at isa…
Read MoreREPACKAGING NG 3 MEGA RAILWAY PROJECTS TULOY
BUBUHAYIN ng Pilipinas ang tatlong mega-railway projects kung saan ang pondo ay magmumula sa foreign donors matapos na tuluyang ibasura ang China bilang funding source. Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang tatlong big-ticket rail projects, orihinal na gagastusan ng pinagsamang $5 billion ang rerebisahin ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board para sa bagong costing. “Kailangan nating kumuha muna ng updated approval kasi although it’s part of the 197 flagship infrastructure projects, ay magkakaron ito ng change of cost dahil ang project na ito…
Read MoreAKTIBIDAD NG MT KANLAON TUMAAS – PHIVOLCS
KINUMPIRMA ng state seismology agency na tumaas ang aktibidad ng seismic sa Kanlaon Volcano sa Negros Island noong Miyerkoles. Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 15 volcanic-tectonic na lindol ang naitala noong madaling araw ng Miyerkoles, at may enerhiya mula sa Richter local magnitude (ML) 1.4 hanggang 4.2 “May kabuuang labinlimang (15) volcano-tectonic o VT na lindol ang naitala ng Kanlaon Volcano Network sa pagitan ng 3:58 a.m. at 5:00 a.m., 22 November 2023. Ang mga lindol na ito ay may saklaw na enerhiya mula ML1.4 hanggang…
Read MoreROMUALDEZ SAPUL KAY VP INDAY
BINANATAN ni Vice President Sara Duterte ang grupo ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara na nanghihikayat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan ang Pilipinas sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ng batang Duterte na mismong si Pangulong Marcos na ang nagsabi noon na tapos na ang pakikipag-usap sa ICC nang kumalas ang Pilipinas noong Marso 2019. Sabi ni Duterte, dapat igalang ng mga mambabatas ang pahayag ni Pangulong Marcos na aniya’y chief…
Read MoreKahit bumuntot sa US ship CHINA DEDMA SA PHL-US JOINT MARITIME PATROL SA WPS
OKEY lang umano sa China ang isinagawang joint maritime patrol ng Pilipinas at ng Estados Unidos sa bahagi ng West Philippine Sea basta hindi masasaling ang kanilang soberanya at pansariling interes. Ito ang inihayag ni Mao Ning, Deputy Director of Information ng Ministry of Foreign Affairs of China, hinggil sa katatapos na joint aerial and maritime patrol ng US at Pilipinas. Ayon kay Mao Ning, ang tagapagsalita ng China Foreign Ministry, “China has stated its position to the Philippines and the US. The joint patrol must not hurt China’s territorial…
Read MoreMARCOS ADMIN DAPAT MAGPAKATOTOO SA NUCLEAR POWER PLANT
(BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ng isang mambabatas sa gobyerno at maging sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na huwag magsinungaling hinggil sa problemang idudulot ng pagkakaroon ng Nuclear Power Plant sa bansa. Sa paliwanag ni Bataan Rep. Albert Garcia sa botong “no” sa House Bill (HB) 9293 na naglalayong itatag ang Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM), hiniling nito sa gobyerno na sabihin ang katotohanan sa mga problemang kahaharapin ng bansa kapag nagkaroon ng nuclear plant. “Magpakatotoo po tayo. Kung may panganib, ‘wag nating sabihin na ligtas. Kung walang solusyon sa…
Read More