SA kabila ng paninira at pagbabanta umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magbabago ang isip ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na alisan ng confidential funds ang kanyang anak na si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Ito ang tiniyak ni House Deputy Majority Leader, Rep. Franz Pumaren kaugnay ng P1.23 confidential funds ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng P650 million ng pangalawang pangulo, na inilipat sa security agencies na may kinalaman sa seguridad sa West Philippine Sea (WPS). Ginawa ng…
Read MoreAuthor: admin 5
CYBER PROBE IKINASA SA SUNOD-SUNOD NA HACKING INCIDENT
SUMASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang napaulat na pag-hack sa official website ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “The Department of Information and Communications Technology (DICT) has been informed of the cybersecurity incident that occurred at the House of Representatives (HOR),” ayon kay DICT Supervising Director for Information and Strategic Communications Division Aries Joseph Hegina. “We are in constant communication and coordination with the HOR and are currently investigating the extent of the said incident. We shall provide further updates to the public as soon as they become available,” dagdag na pahayag…
Read MoreHUBAD NA BANGKAY NG BABAE, P8-M SHABU NADISKUBRE SA CAVITE
CAVITE – Nadiskubre ng mga operatiba ng Cavite Police ang tinatayang mahigit P8 milyong halaga ng umano’y shabu nang magresponde ang mga ito hinggil sa natagpuang bangkay ng isang babae sa isang bahay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang 30-35 anyos, natagpuang walang buhay at walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama sa isang bahay sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite Ayon sa ulat, dakong alas-10:10 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa natagpuang…
Read More2 ANAK KINATAY NG INA SAKA NAGLASLAS NG LEEG
CAVITE – Hinihinalang naburyong ang isang ina kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang 4-anyos at 3-anyos na anak saka tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, nitong Lunes ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa ospital si Clarisse Tapang y Romalte, 26, may live-in partner, ng Brgy. Pacheco, Magallanes, Cavite, suspek sa pagpatay sa dalawa niyang anak. Ayon sa ulat ni Police Corporal Kervi G. Lopez ng Magallanes Municipal Police Station, dakong alas-9:40 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag hinggil…
Read MoreBANGKAY NG CHINESE PWD ITINAPON SA MABINI BRIDGE
PINANINIWALAANG inihagis mula sa isang sasakyan ang bangkay ng isang 41-anyos na babaeng Chinese sa ibabaw ng Mabini Bridge sa Sta. Mesa, Manila noong Linggo ng umaga. Sa pamamagitan ng nakatatandang kapatid na si Ester Tui, 44, kinilala ang biktimang si Esmeralda Tui, residente ng Pandacan, Manila. Ang insidente ay iniulat ng isang concerned citizen sa MPD Avelino Police Community Precinct. Inakala noong una na biktima ng “hit & run” si Esmeralda kaya itinawag ito sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU). Sa isinagawang imbestigasyon nina Police Major Jaime Gonzales,…
Read MoreINDIAN NAT’L HINARANG SA CLARK INT’L AIRPORT
HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International airport (CIA) ang isang Indian national dahil hindi maipaliwanag nito ang kanyang pakay sa pagpunta sa Pilipinas. Kinilala ang dayuhan na si Jaskaran Singh, 20, dumating sa CIA noong Oktubre 12 sakay ng Scoot Airlines galing sa bansang Singapore. Ayon sa ulat, tinakot pa ni Singh na kakasuhan ang Immigration officer kapag hindi siya pakawalan sa tulong ng kanyang padrino na hindi binanggit ang pangalan, at inalok pa ang IO ng halagang P50K kapalit ng kanyang kalayaan. Agad…
Read MoreBARKO NG PH NAVY BINUNTUTAN NG CHINA
MULING pinalagan ng Pilipinas ang China dahil sa naging agresibong aksyon nito sa West Philippine Sea at tangkang pagharang sa resupply mission malapit sa PAGASA Island. Ayon sa Armed Forces of the Philippines, naglabas ng magkakasunod na radio challenges ang BRP Benguet (LS507) laban sa People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621) ng China matapos ang ginawa nitong dangerous maneuvers at nagtangkang tumawid sa bow ng barko ng PH Navy. Ayon sa ulat, sinabi ng PH Navy na ang pag-anino ng barko ng China sa kanilang barko ay may…
Read MoreTRILLANES HINIKAYAT SI MARCOS NA PAIMBESTIGAHAN SA ICC SI DU30
HINIMOK ni dating Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na payagang makapasok sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) upang isailalim sa imbestigasyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos umaming sangkot sa mga patayan sa Davao, noong siya pa ang alkalde doon. Nauna rito, sa isang panayam sa telebisyon, personal na inamin ng dating pangulo na ginamit niya ang kanyang confidential at intelligence fund (CIF) para ipapatay ang mga drug pusher noong siya ay alkalde ng Davao. “Ang intelligence fund, binili ko,…
Read MorePARTY-LIST COALITION NAGHAYAG NG SUPORTA SA LIDERATO NG KAMARA
SUPORTADO ng koalisyon ng mga party-list ang pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasabay ang pagpuri sa ginawa nitong paglipat sa mga tamang ahensya ng Confidential at Intelligence Fund (CIF). Sa isang statement, sinabi ng Party-list Coalition Foundation, Inc. na suportado nila ang ginagawa ni Romualdez dahil bukod sa tumaas ang approval rating ng taumbayan sa Kongreso, nasiguro nito na lahat ng miyembro ay napapakinggan at naibibigay ang kahilingan ng kanilang constituents. Pinapurihan ng grupo ang hakbang ni Speaker Romualdez sa paglipat ng CIF mula sa Office of the…
Read More