15 CONFIRMED ELECTION RELATED VIOLENCE NAITALA

LABINDALAWANG araw bago ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Election, mas pinatindi ng Philippine National Police ang kanilang inilatag na security preparation matapos silang makapagtala ng 15 kumpirmadong election related violence. Sa datos ng Philippine National Police, nakapagtala sila ng 85 insidente sa loob ng itinakdang election period para sa BSKE 2023 na gaganapin sa Oktubre 30, 2023, subalit umabot lamang sa 15 ang validated election-related crimes ang kanilang kumpirmadong naitala. Ayon kay PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr., ang 15 insidenteng may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon, ay kinabibilangan…

Read More

Catch iPhone 15 at Cyberzone: SM Mall of Asia’s Midnight Launch set on Oct 20

CYBERZONE, the largest chain of IT retail stores in the Philippines, joins Power Mac Center’s iconic Midnight Launch on October 20, 12:00 AM, at SM Mall of Asia. The much-awaited event is set to commence between 9:00 to 10:00 PM, October 19, where local Apple fans can enjoy the night of live performances, tech-related talks, amazing surprises and a chance to meet some invited personalities. The event will be held at the activity area of Cyberzone located at Level 2, North Wing, SM MOA for the #CyberzonePMCExperienceAtSM. What’s New on…

Read More

BAKIT MAHINA ANG OPOSISYON?

DPA ni BERNARD TAGUINOD WASAK na ang unity na ibinandera ng Marcos-Duterte tandem noong nakaraang eleksyon pero hindi pa rin lumalakas ang oposisyon na pinangungunahan ng Liberal Party (LP), hindi lamang sa Kamara kundi maging sa local government. Hindi ito nakapagtataka dahil imbes na magkaisa ang LP lalo na sa Kongreso dahil kokonti na lamang sila, ay watak-watak na sila at kanya-kanyang lakad kaya kung baga wala silang tatag na sinasamantala naman ng mga nasa kapangyarihan. Noong nakaraang eleksyon, 10 ang ipinanalo ng LP sa Kongreso, 6 na vice governor…

Read More

HINAING NG TRANSPORT GROUP, HUWAG BALEWALAIN

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO MAY punto ang transport group sa kanilang hinaing kaya sila nagsagawa ng protesta kahapon na nakaapekto sa mga pasahero. Gusto ng grupong ito na igiit sa gobyerno na huwag i-phase-out ang traditional jeepney na pinagkakakitaan ng ordinaryong libu-libong Pinoy. Aalisin ang traditional jeepney tapos papalitan ng tinatawag nilang modern jeepney na ang makikinabang ay ang mga multi-national company. Imbes na makatulong sa mga ordinaryong driver/operator ang modern jeepney ay magiging problema pa ito dahil sobrang mahal ng presyo nito. Kung hindi tayo nagkakamali, nasa P1.5-M hanggang…

Read More

DISQUALIFICATION CASE VS BRGY. CHAIRMAN ET AL ISINAMPA SA COMELEC

PUNA ni JOEL O. AMONGO DISQUALIFICATION case ang isinampa sa Commission on Elections (Comelec) laban kina Alfredo ‘Freddy’ Roxas na tumatakbo bilang barangay captain; Kris Roxas-Aliento, Pedro Mahusay, Arnel Gabito, Butch Rosales, Perla Adea, Alex Rivera at Sofronio Grimaldo na pawang kandidato naman bilang kagawad sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Batay sa salaysay nina Rey Miranda, Marvin Miranda at Ronald Go, ang reklamo ay dahil sa maagang pangangampanya ng nabanggit na mga personalidad. Nagkaroon umano ng pagtitipon ang SAPIKA Homeowners Association noong September 9, 2023 at nakita sa pagtitipon…

Read More

CAMPAIGN EXPENSES PINATATAASAN

AMINADO si Senador Lito Lapid na panahon nang itaas ang pinapayagang gastusin sa kampanya tuwing national at local elections. Sa inihaing Senate bill 2460 ni Lapid, nais nitong bigyang mandato ang Commission on Elections o COMELEC na i-update o itakda ang limitasyon sa campaign expenses depende sa pabago-bagong economic condition dahil sa inflation. Sinabi ni Lapid na tatlong dekada na simula nang isabatas ang tatlong piso hanggang sampung pisong limit sa campaign expenses kada botante na sa ngayon ay halos wala nang halaga. Nagbabala si Lapid na ang lumang batas…

Read More

EDSA REVOLUTION HOLIDAY GAGAWING BATAS

UPANG putulan ng kamay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ang mga susunod na pangulo ng bansa na tanggalin ang EDSA Revolution sa mga holiday sa Pilipinas, isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan na gawin na itong isang batas. Sa House Bill (HB) 9405 na inakda ni Liberal Party (LP) president at Albay Rep. Edcel Lagman, kailangan na aniya ng batas na magdedeklara ng national non-working holiday tuwing ika-25 ng Pebrero kada taon bilang paggunita sa EDSA People Power Revolution, na nagpatalsik sa diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos…

Read More

BBM BIBIYAHE NA NAMAN

SIGURADO na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit sa Saudi Arabia ngayong linggo. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutungo sa Riyadh si Pangulong Marcos, mula Oktubre 19 hanggang 20. Tinuran ni Assistant Secretary Daniel Espiritu ng Department of Foreign Affairs-Office of the Asean Affairs, pangunahing pag-uusapan sa naturang pagpupulong ang pagpapaigting ng ugnayan ng mga bansang kasapi sa Asean at Gulf countries, pag-uusapan din ang energy at food security. Itinuturing na ang Saudi Arabia ang isa sa mga pinagkukunan ng…

Read More

‘WALANG GUTOM’ NI BBM SUPALPAL SA FARMERS

MISTULANG nasupalpal ang ibinidang Executive Order (EO) No. 44 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nagdedeklara sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” bilang flagship program ng kanyang administrasyon sa inilunsad na kilos protesta ng mga magsasaka na kumokondena sa kahirapan sa bansa. Kahapon ay nagtipon ang grupo ng mga magsasaka sa central office ng Department of Agriculture sa Quezon City sa ikalawang araw ng isang linggong protesta na ikinasa nila laban kay Marcos Jr., na inakusahan nilang pasimuno ng kagutuman sa bansa. Ang nasabing protesta ay paggunita sana sa…

Read More