TARGETED RICE SUBSIDY PROGRAM IPATUPAD

INIREKOMENDA ni Senador Sherwin Gatchalian sa gobyerno ang pagpapatupad ng targeted rice subsidy program sa susunod na tatlo hanggang anim na buwan. Kasunod ito ng naitalang 6.9 percent na inflation rate ng 30 percent ng mga household nitong Setyembre kumpara sa 6.1 percent na inflation na nararanasan ng lahat ng households. Layon ng mungkahi ni Gatchalian na maibsan ang epekto ng food insecurity o kakulangan sa pagkain sa pinakamababang 30 percent income households. Iginiit pa ni Gatchalian ang agarang pangangailangan na matugunan ng gobyerno ang mga hamon na dulot ng…

Read More

CALIBRATED REPATRIATION SA MGA PINOY SA ISRAEL

IPINAALALA ni Senador Grace Poe na ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel ang kailangang tutukan ngayon ng gobyerno. Sinabi ni Poe na dapat tiyakin ng mga ahensya ng gobyerno na maiaalis na ang mga Pinoy sa mga lugar malapit sa battle zones at dalhin sila sa shelters o mga halfway houses. Dapat na rin anyang ipatupad ang calibrated repatriation sa mga nais nang bumalik sa bansa habang bukas pa ang mga borders. May pondo naman anya dito ang gobyerno at kailangan itong gastusin nang maayos. Iginiit naman ni Senador…

Read More

P250M hahabulin ng SSS Baliwag sa delinquent employers

SINUYOD ng mga kawani ng Social Security System (SSS) Baliuag Branch ang ilan sa mga tinaguriang ‘delinquent employers’ sa lungsod ng Baliwag nitong Biyernes (Oktubre 6, 2023) kung saan kabilang ito sa halos P250-million amount of delinquency na target kolektahin ng ahensya. Ayon kay SSS Vice President for Luzon Central 2 Division Gloria Corazon Andrada, ang isinagawang operasyon ay bahagi ng kanilang Run After Contribution Evaders (RACE) program na mabigyan ng pagkakataon ang mga delinquent employers na mahabol sa mas magaang paraan ang kanilang mga hindi nabayarang obligasyon sa kanilang…

Read More

SHABU SA PAMPANGA KAYANG IPANALO DRUG LORDS SA ELEKSYON

SAPAT na ang halaga ng shabu na nakumpiska sa Pampanga at Manila International Container Port (MICP) para pondohan at maipanalo ang kandidatura ng mga drug lord. Ito ang tinuran ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers sa pagsisimula ng pagdinig ukol sa 1.3 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P30 billion na nakumpiska sa Pampanga at MICT. “This amount can most definitely finance the elections and victory of drug lords in our political arena. Such war chest is even enough to fund a presidential campaign,” ayon…

Read More

P4.5-B intel fund pero walang mahuli BBM NGANGA SA SMUGGLERS

NAGHIHINTAY ang isang grupo ng mga magsasaka na may maipakulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na smuggler, cartel at price manipulators ng bigas. Ito’y sa gitna ng hirit ng Office of the President na P4.5 bilyon intelligence funds. Matatandaang nasa P10.134 bilyon ang kabuuang confidential and intelligence funds (CIF) sa panukalang 2024 budget, kung saan halos kalahati (P4.56 bilyon) ang mapupunta sa tanggapan ni Marcos Jr. Kasabay nito, tinawag din ni Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas na ang BBM ay hindi na Bongbong Marcos o inisyal ng Pangulo…

Read More

ROMUALDEZ HUGAS-KAMAY SA CIFs NI VP INDAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA naghugas-kamay si House Speaker Martin Romualdez matapos magdesisyon ang Kamara na i-realign ang confidential at intelligence funds ng ilang ahensya kabilang ang Office of the Vice President at Department of Education na parehong nasa ilalim ni VP Sara Duterte. Una nang itinanggi ng liderato ng Kamara na may halong pamumulitika ang nasabing aksyon laban sa secret funds ni Duterte. Paliwanag ni Romualdez dumaan sa regular congressional deliberations ang pag-alis ng CIFs sa budget. Aniya, may “small committee” sa mababang kapulungan ang naatasang mag-realign ng CIFs…

Read More

DAGDAG NA TAUHAN, ‘DI CONFI FUNDS KAILANGAN NG DICT

HINDI confidential funds ang kailangan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) kundi karagdagang tauhan upang mapigil ang cyber attacks sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Ito ang iginiit ni House Deputy Minority Leader, Rep. France Castro, dahil sa kabila ng P1.2 billion na confidential funds na ibinigay sa ahensya noong 2019 at 2020 ay patuloy pa rin ang pag-atake ng scammers at hackers. “The DICT itself said that about 3,000 cyberattacks were monitored in the country from 2020 to 2022 alone. Almost…

Read More

SUNDALO PATAY SA ENGKWENTRO

PATAY ang isang sundalo ng Philippine Army’s 84th Infantry (Victorious) Battalion sa sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng pamahalaan at communist New People’s Army sa Brgy. San Fernando, Laur, Nueva Ecija. Agad na kinondena ni Major General Andrew D. Costelo, commander ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army, ang panliligalig ng mga rebelde sa komunidad ng Laur. Naganap ang sagupaan matapos na magsumbong ang mga residente hinggil sa panggugulo ng armadong kalalakihan sa Brgy. San Fernando. “We immediately ensure the security of the community that is why we sent…

Read More

BARIL, DROGA NASAMSAM SA TULAK SA BUY-BUST

CAVITE – Nasamsam ng Cavite police ang baril at droga sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to COMELEC Gun Ban at RA 9165, ang suspek na si Janzen Manalad y Magalong, nasa hustong edad, ng Brgy. Sto. Niño, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Manalad.…

Read More