BATO: ATAKE KAY VP SARA KONEKTADO SA 2028 ELECTIONS

MAGING si Senador Bato dela Rosa ay naniniwalang pulitika ang nasa likod ng mga atake kay Vice President Sara Duterte. Sa panayam ng Teleradyo noong Linggo, sinabi ni dela Rosa na kahit ang Commission on Audit (COA) ay walang sinasabing may katiwalian sa paggastos ng bise presidente sa P125-million confidential funds nito noong 2022. Ngunit ito ang ginagamit na sandata ng kanyang mga kritiko upang sirain siya sa publiko. “Bakit, sinabi ba ng COA na mali ‘yun? Hindi naman sinabi ng COA na ‘yan ay corruption. Observation lang ng COA…

Read More

2 SUSPEK ARESTADO SA PANLOLOOB SA MUSICIAN

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang pagnakawan ang bahay ng isang musician, habang dinakip din ang isa pang lalaki na pinagbentahan sa kinulimbat na mga kagamitan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap sa kasong robbery ang suspek na si Jhay Lumanglas, ng Brgy. Acacia, habang paglabag sa Anti-Fencing Law naman ang inihain sa suspek na si Randy Encarnacion y Delos Reyes, 48, electrician, ng Bulihan, Silang, Cavite. Ayon sa salaysay ng biktimang si Jay Layosa y Obera, isang musician ng Brgy. Acacia,…

Read More

BUMANGGA SA BAKAL NA SIGNAGE, RIDER PATAY

CAVITE – Patay ang isang 28-anyos na rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong barrier at bakal na signage sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Joval Solera Ceril, 28, ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Yamaha EZ habang binabagtas ang kahabaan ng Arnaldo Highway, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City dakong alas-11:00 ng gabi patungo sa Brgy. San…

Read More

GINANG NILOOBAN PINATAY SA DAVAO

DAVAO CITY – Wala nang buhay nang matagpuan sa kanyang bahay ang isang ginang na hinihinalang pinagnakawan bago pinaslang ng hindi kilalang mga suspek sa Davao City noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng Davao City Police ang biktimang si Lilian Del Campo Nieva, 57, residente ng Deca Homes, Barangay Bago Gallera – Talomo. Ayon sa Davao City Police Office, may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima. Ang kapatid na lalaki ng biktima ang nakatuklas sa krimen nang puntahan nito ang ginang makaraang hindi makontak…

Read More

3 KINASUHAN SA PAGKATAY NG BABOY RAMO SA MT. BANAHAW

SASAMPAHAN ng kasong paglabag sa RA 11038 o National Integrated Protected Areas System Act of 1992, ang tatlong lalaki matapos maaktuhang nanghuhuli ng baboy ramo sa protected areas sa Mt. Banahaw. Ang mga suspek na kinilalang sina Isabelo Javin, Melandres Javin at Michael Villarey ay naaktuhan ng dalawang nagpapatrolyang mga tauhan ng Tayabas City Environment and Natural Resources Office (ENRO) na bitbit ang isang buhay pa na baboy ramo subalit may tama ng bala ng baril sa kabundukan ng Barangay Alitao na sakop ng Mount Banahaw–San Cristobal Protected Landscape. Subalit…

Read More

POLITIKO SA NARCO-LIST NI DU30 SABIT SA P3.6-B SHABU SA SUBIC?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ITINUTURO ngayon ang isa sa mga politikong nakasama sa tinaguriang narco-list ng nakaraang administrasyon sa nasakoteng 530 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion sa isang warehouse sa Pampanga noong nagdaang Miyerkoles. Ito ang umugong na balita sa loob at labas ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Diumano, buhay na naman ang operasyon ng naturang politiko sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot na naapektuhan noong pangalanan siya ni dating Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte na kabilang sa narco-list. Ayon sa report, ang pagkakarekober sa 530 kilos…

Read More

GUN STORE SINALAKAY, HIGH POWERED FIREARMS NASAMSAM

SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang malaking gun store sa Marikina City nitong nakalipas na linggo na sinasabing nagbebenta ng undocumented firearms sa online. Sa bisa ng dalawang search warrant ay sinalakay ng mga awtoridad ang tindahan na umano’y talamak ang bentahan ng hindi dokumentadong mga baril, na ang ilang hinihinalang mga parokyano ay mga pulitiko, artista at mga tauhan ng pamahalaan. Matapos ang regular Monday flag raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City, iprinisenta ni PNP chief,…

Read More

TULONG PINANSYA SA TODA, MGA ESTUDYANTE HATID NI SEN. IMEE AT DSWD

SA unang araw ng trabaho ngayong Oktubre, bumisita si Senadora Imee R. Marcos sa San Juan City para magbigay ng financial assistance sa isang libo at limang daang (1,500) miyembro ng TODA. Kasama ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay ang senador ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na tig-P3,000 tulong pinansyal sa mga kasapi ng TODA. Kasunod nito, nagtungo si Marcos sa Rizal Technological University sa Mandaluyong City para magbigay rin ng financial assistance sa dalawang libong estudyante. Sampung milyong halaga ng ayuda…

Read More

MODERNIZE FARMING ISINUSULONG NI BARBERS

HINIHIKAYAT ng isang mambabatas mula sa Mindanao ang pamahalaan na pagkalooban ang mga magsasaka ng mga modernong makinaryang pang-agrikultura, bilang bahagi ng pagsusumikap nito na mapataas pa ang produksiyon ng bigas sa bansa. Sinabi ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na ang agricultural machinery, o kilala sa tawag na agricultural tech, ay mahalagang sandata para mapaganda pa ang agricultural production. “It helps farmers to grow more crops in less time and with greater efficiency. It can include anything from tractors and harvesters to animal feed mixers or field-wide…

Read More