PLASTIKAN 101

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TULOY ang trabaho at hindi apektado ang relasyon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte-Carpio sa ‘bad shot’ comment ng maybahay ni PBBM sa huli. Iyan daw ang ibig sabihin ng magkasamang pagdalo ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa sa 45th PNPA Commencement Exercises sa Camp Gen. Mariano Castañeda, Silang, Cavite nitong Biyernes. ‘Di kami pinanganak kahapon, sabi ng netizens. Halata naman daw nagplastikan lang ang dalawa kahit pa nagbeso-beso sila. Mainit na pinag-usapan at hinimay sa social media ang pahayag ni…

Read More

SINA MAYOR CHOLO AT GOVERNOR FERNANDO

TARGET ni KA REX CAYANONG ANG kamakailang Ceremonial Transplanting sa Hacienda Angelita Nature Farm Training and Assessment Center, Inc., sa Brgy. Capihan, San Rafael, Bulacan, ay nagpapakita ng maigting na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na mapabuti ang mga pamamaraan sa pagsasaka. Sa pagpapakilala ng iba’t ibang uri ng gulay mula sa mga kumpanya ng binhi sa mga lokal na magsasaka, kasama ang modernong mga teknik at teknolohiya, sina San Rafael Mayor Cholo Violago at Bulacan Governor Daniel Fernando ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng ani at kabuhayan ng ating mga…

Read More

PISO SADSAD NA NAMAN

EDITORIAL MASASABING normal nang nangyayari na bumabagsak ang palitan ng Philippine Peso sa US Dollar ngunit nakababahala ito dahil apektado nito ang ekonomiya, presyo ng pagkain maging ng utang ng bansa. Noong nakaraang linggo ay naitala sa P57 ang kada dolyar na bahagya na lamang ang diperensya sa P59:$1 na 12th all-time low exchange rate noong 2022. Nakabase ang palitan ng piso at dolyar sa supply at demand ng dollar sa merkado, sa ilalim ng floating exchange rate system. Paliwanag ng mga ekonomista, tuwing tumataas ang halaga ng dolyar, nagmamahal…

Read More

TENSYON SA WPS MAGAGATUNGAN SA $2.5-B NG US SA AFP

IMBES ikatuwa, tila ikinabahala pa ng isang militanteng mambabatas ang $2.5 bilyong pondo na ipagkakaloob ng United States (US) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagpapalakas ng depensa ng Pilipinas laban sa China. Para kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, posibleng magsilbing mitsa ito para lalong uminit ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS). Sinimulan na umano ng US Senate ang pagtalakay sa panukalang batas na inakda nina Republican Senator Bill Hagerty ng Republican at Sen. Democrat Tim Kaine ng Democrat para sa paglalaan ng US $2.5…

Read More

Muling nagtala ng phreatic eruptions NO ENTRY, NO FLY ZONE SA BULKANG TAAL IPINAALALA

MULING nagpaalala ang DOST-PHIVOLCS na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpunta sa Taal Volcano island. Sa ipinalabas na abiso ng PHIVOLCS kaugnay sa nangyaring dalawang minor phreatic activity sa main crater ng Taal Volcano nitong Sabado ng umaga, bagama’t nanatili sa alert level 1 ang bulkan, ang pagkakaroon ng volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas ay maaaring maging banta sa kalusugan ng mga tutungo sa mismong volcano island o sa mga itinalagang permanent danger zone partikular sa mga bisinidad ng main crater at ganoon…

Read More

Babala sa hindi nag-consolidate P1-M MULTA SA COLORUM OPERATORS – DILG

AABOT hanggang P1 milyon ang maaaring ipataw na multa sa colorum operators, ito babala kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang kampanya kontra unauthorized public transport vehicles para mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila. Kasunod ang nasabing babala ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng DILG kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), para sa lilikhaing Joint Task Force (JTF) na siyang tututok sa suliranin sa trapiko at colorum operations sa National Capital Region. “Napakalaki…

Read More

FOREIGNER SA LIKOD NG 1.4 TONS NG SHABU TINUTUGIS PA – PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police na tuloy-tuloy ang isinasagawang follow-up operation kaugnay sa pinakamalaking bulto ng droga na nasabat ng mga awtoridad sa Alitagtag, Batangas kamakailan. Ito ay makaraang makatakas umano ang isang Canadian national na hinihinalang may kaugnayan sa tangkang pagpuslit ng 1,424.253 kilograms ng high grade shabu. Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng PNP at Batangas Police ang nirerentahang bahay ng isang Canadian national na iniuugnay sa nasabat na P9.6-B na ilegal na droga. Ayon sa PNP-Police Regional Office 4-A, isinagawa ang…

Read More

2 PATAY, 3 SUGATAN SA SALPUKAN NG GOV’T VEHICLE AT TRUCK

SOUTH COTABATO – Patay ang dalawang empleyado ng LGU ng Tupi sa lalawigan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang pick-up sa sinusundang truck at masalpok pa uli ng kanila namang kasalubong na isa pang truck sa national highway sa Barangay Polonuling sa nasabing bayan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Anthony Romano Zabala, 35, nagmamaneho ng Mazda pick-up na official vehicle ng LGU, at Hernando Carlo Cortez, 26-anyos. Ayon sa report ng Tupi Police, mag-aalas 5:00ng umaga, binabaybay ng pick-up ng mga biktima ang national highway…

Read More

HINABOL NG MGA TANOD, PWD NALUNOD SA ILOG

BATANGAS CITY – Walang buhay na lumutang ang isang binata na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip, nang tumalon sa ilog habang hinahabol umano ito ng nagpapatrolyang mga tanod ng Brgy. Pallocan West sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si John Louie Aclan, 19-anyos. Ayon sa report ng Batangas City Police, dakong alas-6:00 ng umaga nang marekober ang labi ng biktima sa Calumpang River ng search and rescue team ng CDRRMO, mga barangay tanod at mga residente ng lugar. Ayon sa nakasaksing mga residente, tumalon sa ilog…

Read More