MY POINT OF BREW ni JERA SISON ALAM naman nating lahat kapag binanggit ang pangalan na Chavit Singson. Siya ay isang politiko. Matapang, walang inaatrasan. Mayaman. Malakas ang impluwensya sa kilalang mga politiko. Tuwing may laban ang ating “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao noong kasagsagan ng kanyang karera sa boksing, palaging nasa tabi niya si Chavit Singson. Si Chavit din ay maituturing na alamat kung pagdating sa babae. Maraming napababalita tungkol kay Chavit na nagkarelasyon sa magagandang mga babae. Ang masasabi ko lamang ay sanaol! Subalit ang nangyari kamakailan…
Read MoreAuthor: admin 5
CHINESE MILITIA READY TO ATTACK NA?
BISTADOR ni RUDY SIM NAKAAALARMA matapos maaresto ng National Capital Regional Police Office sa isang townhouse sa isang exclusive subdivision sa Taguig City, ang isang Chinese national. Nakuha ng pulisya sa nasabing dayuhan ang isang high powered long firearms, bullet proof vest at helmet na may tatak na China na pawang ginagamit na panggiyera. Ayon kay NCRPO Chief, General Jose Melencio Nartatez, nagsasagawa na sila ngayon ng malalim na imbestigasyon upang matukoy ang katauhan ng dayuhan kung bakit mayroon itong kagamitang pandigma. Bukod sa armas ay nakuhaan din ang dayuhan ng…
Read MoreREP. YAMSUAN KINILALA BILANG ‘OUTSTANDING PUBLIC SERVANT’
TARGET ni KA REX CAYANONG LABIS ang pasasalamat ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan sa pagkilala na kanyang natanggap mula sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) bilang “Natatanging Lingkod Bayan” o “Outstanding Public Servant” para sa taong 2023. Kasama ng parangal, tinanggap din ni Yamsuan ang natatanging Laurel Trophy, na sinabi ng RPMD na nagpapakita ng kanyang espesyal na dedikasyon sa pagtutugma ng kakayahan ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng komunidad, lalo na ng mga sektor ng lipunan na nasa laylayan, na nagpapakita ng misyon ng Bicol Saro…
Read MoreE-BIKES, E-TRIKES HINDI MUNA HUHULIHIN
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila na bigyan ng palugit ang e-bikes, e-trikes at iba pang apektadong sasakyan na dumadaan sa ilang tukoy na daan sa Metro Manila. Naniniwala ang Pangulo na kailangan pang magbigay ng sapat na panahon para sa malawak na pagsisiwalat ng impormasyon kaugnay sa ban na ipatutupad ng gobyerno. Base na rin sa rekomendasyon na kanyang natanggap, mananatiling bawal ang mga natukoy na sasakyan sa ilalim ng MMDA Regulation No.…
Read MoreROQUE NAGPATUTSADA SA ‘BIGGEST DRUG HAUL’ NG MARCOS ADMIN
PINATUTSADAHAN ni dating Presidential spokesman Harry Roque ang itinuturing ng administrasyong Marcos Jr. na biggest drug haul sa Batangas. Ayon kay Roque, kaduda-duda ang pagkakahuli sa umano’y droga na nasabat sa checkpoint sa bayan ng Alitagtag. “Halatang-halata naman yan, kung biggest drug haul bakit ka magpapa-checkpoint. Yung mga nag-checkpoint bakit nila alam na shabu yun? Usually yan ay nagkakaroon talaga ng specialized training para malaman kung ano yun shabu at saka dinadala kaagad yan sa laboratoryo para ma-confirm na shabu nga siya, pero bakit alam nung mga ordinaryong nagche-checkpoint na…
Read MoreRULING NG SC SA SMARTMATIC SAKIT NG ULO SA COMELEC
AMINADO si Senate Minority Leader Koko Pimentel na panibagong sakit ng ulo ng Commission on Elections ang naging ruling ng Korte Suprema kaugnay sa disqualification sa Smartmatic. Sinabi ni Pimentel na atrasado na ang paglabas ng desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing nakagawa ng grave abuse of discretion ang Comelec sa diskwalipikasyon sa Smartmatic bago pa nakapagsumite ng mga bidding requirement o bidding documents. Ipinaliwanag ng senador na may pinasok nang kontrata ang Comelec sa bagong election system provider mula sa South Korea. Binigyang-diin ni Pimentel na magiging problema ng…
Read MoreP2-M para sa degree ng dayuhan DIPLOMA FOR SALE SA CAGAYAN
(DANG SAMSON-GARCIA) HINILING ni Senador Sherwin Gatchalian sa Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng imbestigasyon sa ulat kaugnay sa pagdagsa ng foreign students sa Cagayan. Sa ulat, nagbabayad din umano ang mga dayuhang estudyante ng hanggang P2 milyon para magkaroon ng degree. Sinabi ni Gatchalian na bagama’t sinusuportahan niya ang internationalization ng ating higher education institutions, mahigpit naman niyang tinututulan ang posibleng pagkalat ng diploma mill sa ating bansa. Binigyang-diin ng senador na ang pagbebenta ng diploma o ng degree ay kontra sa pagsisikap ng gobyerno na maiangat…
Read MoreTOMAHAWK MISSILE NG US NAKAPORMA NA SA LUZON
TINULIGSA ng grupo ni dating ACT Party-list Rep. Antonio Tinio si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagpayag nito sa United States (US) na i-deploy ang Tomahawk Missile Launcher sa Northern Luzon. “By allowing this, Pres. Marcos Jr. is openly signaling hostile intent against China, giving the US the capability to launch attacks on China’s homeland from our own territory,” ani Tinio, spokesman ng P1NAS. Nabatid na ang nasabing missile launcher system ay bahagi ng Salaknib 24 Exercise at maging ng susunod na mga Balikatan joint military exercises sa…
Read MoreLALAKI ARESTADO SA CASH IN SABAY TAKBO
CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 31-anyos na lalaki makaraang nagpa-load sa GCash ng halagang P36,700 sa isang tindahan subalit ‘di nagbayad at tumakas sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si alyas “Juanito” ng New Era, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Kristine”, 27, isang negosyante, ng Brgy. Ulat, Dasmariñas, sa mga awtoridad, dakong alas-4:00 ng hapon, nagpa-load ang suspek ng halagang P35,700 kasama na ang karagdagan fees sa pamamagitan ng GCash. Matapos na…
Read More