AGNAS NA BANGKAY NATAGPUAN SA ILOG

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa natagpuang naaagnas na bangkay ng isang lalaki sa ilog sa Carmona City noong Miyerkoles ng hapon. Wala pang pagkakakilanlan ang bangkay ng isang lalaki na walang saplot sa katawan nang matagpuan. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Charles Virtudez ng ng Carmona City Police, dakong alas-5:30 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki sa Mountain River, o kilala sa tawag na Ilog na Maliit, sa Brgy. Lantic, Carmona City. Nang puntahan…

Read More

BUHAWI NANALASA SA ILOCOS SUR

ILOCOS SUR – Nanalasa ang isang buhawi sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Nakuhanan ng video ng maraming residente ang pananalasa nito. Sa video na kuha ni Zumi Ancheta, makikita na may malawak at mababang kaulapan sa lugar bago nabuo ang buhawi sa may bahagi ng Barangay Busing Norte. Agad namang nagsipagpasukan sa kanilang bahay ang mga residente. Halos tumagal ng 15 minuto bago nalusaw ang nasabing buhawi. Ayon sa ulat ng San Ildefonso MDRRMO, may dalawang bahay na partially damaged habang isa naman…

Read More

BABAE BINOGA HABANG NATUTULOG

CAVITE – Tuluyan nang hindi nagising ang isang 37-anyos na babae nang barilin ng ‘di kilalang suspek habang natutulog sa bahay ng kanyang kaibigan sa Dasmariñas City, noong Miyerkoles ng umaga Kinilala ang biktimang si Rio Baldisimo, hiwalay sa asawa at residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Christopher Postrero, dakong alas-6:30 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa Police Community Precinct 4, Dasmariñas City Police Station, hinggil sa isang babaeng binaril sa Brgy. Paliparan 3. Napag-alaman, natutulog umano ang biktima…

Read More

Hinimatay habang nagmamaneho 10-WHEELER WING VAN BUMANGGA, DRIVER PATAY

CAVITE – Patay ang driver ng ten-wheeler wing van nang umano’y mawalan ng ulirat habang nagmamaneho at bumangga sa isang nakaparadang closed van sa gilid ng kalsada sa Imus City noong Miyerkoles ng umaga. Naisugod pa sa South Imus Specialist Hospital ang biktimang si Seminiano Mark Delfin, 39, ng Talavera, Nueva Ecija subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Alfredo Dela Cruz, Jr. ng Imus City Police, minamaneho ng biktima ang ten-wheeler wing van na may plakang NBO 5877, at binabagtas ang Aguinaldo Highway…

Read More

15 PATAY SA SUNOG SA QC

BINAWIAN ng buhay ang nasa labing lima katao kabilang ang isang pamilya nang masunog ang shirt printing shop sa Pleasant View Subdivision, Tandang Sora, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga nasawi na sina Michael Cavilte, 44, may-ari ng tindahan; asawa nitong si Maria Micaela Barbin, 23, at anak nilang si Erica Scarlet. Ang iba pang biktima na mga stay-in worker ni Cavilte ay sina Wilmar Ritual, 25; Raffy Barrientos, 25; Julius Abarca, 20; Alfred Manuel, 23; Jayson Dominguez, 45, (driver); Carmina Abalos, 22;…

Read More

LIBRENG SAKAY SA MAYNILA HABANG BAHA

BUNSOD ng matinding pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Goring, nagsagawa ng libreng sakay ang Manila Police District kahapon. Ang mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB) sa pangunguna ni Police Captain Mark Anthony Panganiban, ang umasiste sa libreng sakay, ayon sa direktiba ni Police Colonel Julius Añunuevo at sa utos ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon na isakay ang stranded na mga pasahero Nagsimula ang libreng sakay bandang alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Taft Avenue, kabilang sa panulukan ng…

Read More

2 HOLDAPER TIKLO SA GUN BAN

NASAMPULAN sa umiiral na Comelec gun ban ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang matimbog sa harap ng isang bahay sa Kapitan Tikong Street, Malate, Manila noong Miyerkoles ng umaga. Nahaharap sa kasong robbery holdup at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to Omnibus Election Code, ang mga suspek na sina Jimboy Colinares, 32, at Bryan Teologo, 26-anyos. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District- Malate Police Station 9, bandang alas-6:30 ng umaga nang matimbog ang mga…

Read More

Setting sights on a clearer future

Navigating the challenges of childhood Myopia San Juan City – August is Sight Saving Month and Cardinal Santos Medical Center (CSMC) is shedding light on childhood myopia which has emerged as a significant public health concern. The World Health Organization (WHO) defines myopia as a refractive error in which rays of light entering the eye parallel to the optic axis are brought to focus in front of the retina, resulting in blurred images. Dr. Kimberly Cotaoco a consultant specializing in Pediatric Ophthalmology and Strabismus at Cardinal Santos describes it as…

Read More

Enchanted Kingdom turns over 9th Brigada Eskwela classroom

Enchanted Kingdom, the first and only world-class theme park in the Philippines, turned over its 9th adopted classroom to Dila Elementary School in Santa Rosa City, Laguna in support of the 2023 Brigada Eskwela of the Department of Education (DepEd). According to DepEd, this year’s theme “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan,” underscored the country’s volunteer initiatives to ensure a clean, safe, inclusive, and child-friendly learning environment for learners and teaching and non-teaching personnel, and strengthen resiliency of schools and basic education. The adopt-a-classroom program is in line with EK’s…

Read More