HINDI matanggap ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan halos 90 porsyento sa mga Pinoy ay kontra na amyendahan ang 1987 Constitution. Ganito inilarawan ni ACT Teacher Party-list Rep. France Castro ang reaksyon ng administration congressmen dahil kinuyog ng mga ito ang nasabing survey firm. “There seems to be a concerted effort to discredit the Pulse Asia survey saying that an overwhelming majority of Filipinos are strongly against Charter change,” obserbasyon ng mambabatas. Bago ito, kinastigo ng ilang administration congressmen ang…
Read MoreAuthor: admin 5
MARCOS NAGPAPAGAMIT SA AMERIKA SA WPS ISYU
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa administrasyon ng kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag magpagamit sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ng senadora na walang ibang makatutulong sa Pilipino kundi tayo-tayo rin partikular sa problema sa ating teritoryo. Aminado rin ang mambabatas na hindi pa kakayanin ng bansa na tapatan ang superpower na China. Kaya iminumungkahi ng senadora sa Pangulo na palagiang buksan ang linya ng komunikasyon sa iba’t ibang level sa pagitan ng Pilipinas At China. Naniniwala ang mambabatas…
Read MoreSAKIT ‘WAG GAMITIN SA PRANK – DOH
BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang mga prankster na huwag magbiro tungkol sa mga sakit bilang bahagi ng April Fools’ Day. Nais ng DOH na panatilihing magaan ang diwa ng taunang kaganapan nang hindi nagdudulot ng anomang pinsala. Naiulat sa buong mundo, marami ang gumagawa ng mga biro at mapaglarong kalokohan sa April Fools’ Day. Gayunpaman, ang ilang mga kalokohan ay lumipas na, na nagiging sanhi ng pagkabalisa o pinsala. Hinihikayat ng DOH ang lahat ng nagbibiro na mangyaring iwasan ang mga may kaugnayan sa sakit, at iba pang…
Read MorePatutsada ng kapwa kongresista ALVAREZ PRO-CHINA
KINUKUYOG ngayon ng kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez matapos itong managawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-resign at ilipat ang kapangyarihan kay Vice President Sara Duterte upang maresolba ang problema sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference kahapon, ipinaalala ni House deputy majority leader Janette Garin sa dating House Speaker na ang tanging paraan para matanggal ang Pangulo sa kapangyarihan ay sa pamamagitan ng impeachment o kaya ang taumbayan (sa pamamagitan ng people power) at hindi…
Read MoreLIGTAS NA BAGONG PILIPINAS HAMON SA BAGONG PNP CHIEF
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na manatiling bigilante sa gitna ng lahat ng mga hamon at oportunidad habang ang bansa ay sumusulong para sa isang mapayapa at ligtas na “Bagong Pilipinas.” “Let us remain vigilant in the face of challenges and opportunities, as we strive to build a Bagong Pilipinas where everyone can thrive and live in peace,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang change of command ceremony at retirement honors para kay Police General Benjamin Acorda Jr. Nagtapos…
Read MoreSURIGAO AT OCCIDENTAL MINDORO, NIYANIG NG LINDOL
NIYANIG nitong Lunes ng umaga ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan ng Surigao del Sur, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Natunton ang epicenter ng lindol na naganap dakong alas-5:16 nitong Lunes ng umaga, sa 08.13°N, 126.68°E – 031 km N 71° E ng munisipalidad ng Lingig. Ayon sa PHIVOLCS, 10 km ang lalim ng tectonic earthquake na nagrehistro ng Intensity V sa Hinatuan, Surigao del Sur, habang naranasan naman ang Intensity IV sa City of Bislig sa nasabing lalawigan. Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan…
Read MoreP212.5-M SHABU NASABAT SA PORT OF CLARK
UMABOT sa mahigit 31 kilo ng umano’y shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark, na sinasabing nagmula pa sa New Jersey, USA. Ayon sa ulat ng PDEA, tinatayang nagkakahalaga ng P212,500,000 ang methamphetamine hydrochloride o shabu na may kabuuang 31,250 gramo, ang kanilang nasamsam sa ikinasang anti-narcotics operation katuwang ang Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), X-ray Inspection Project (XIP), Enforcement and Security Service at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Nakapaloob ang nasabing droga…
Read MoreLASING NALUNOD SA DAGAT SA QUEZON
QUEZON – Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga nasawi sa pagkalunod sa lalawigan, matapos na malunod ang isang umano’y lalaking lasing sa Brgy. Sto. Niño Ajos, sa bayan ng Mulanay, noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Mulanay Police ang biktimang si Julieto Mendoza Bariata, 47-anyos. Nadiskubre ang wala nang buhay na biktima dakong alas-7:00 ng umaga noong Linggo sa dalampasigan ng Sitio Mahabang Lam-aw sa kanilang barangay. Ayon sa report, huli itong nakitang buhay noong Sabado dakong alas-5:00 ng hapon na masayang nakikipag-inuman sa kanyang mga kamag-anak habang…
Read MoreDALAGA PINIKTYURANG NALILIGO SA BANYO, BINATA KALABOSO
BATANGAS – Himas-rehas ang isang isang binata matapos na mahuli na pinipiktyuran ang isang dalaga habang naliligo sa banyo sa kanilang bahay sa Brgy. Bolbok, sa bayan ng Taal sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Kinilala ng Taal Police ang suspek na si alyas “Mike”, 26, tubong Naujan, Oriental Mindoro, at residente ng Brgy. Carsuche, Taal. Batay sa reklamo ng 20-anyos na si “Francine”, naliligo siya dakong alas-10:00 ng gabi nang mapansin ang isang cellphone na nakatutok sa kanya mula sa bintana ng banyo. Agad sumigaw ang dalaga at humingi…
Read More