NAIS ni Senador Win Gatchalian na imbestigahan ang pagpapataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 25% withholding tax at 12% VAT sa lahat ng cross-border services na ibinibigay ng mga non-resident foreign corporations (NRFC). Nagbabala si Gatchalian na maaari nitong itaboy ang mga dayuhang mamumuhunan. “Maaari nitong itaas ang halaga ng pagnenegosyo sa bansa, na lalong magpapahina sa pakikipagkumpetensya ng bansa sa buong mundo pagdating sa pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan,” pahayag ni Gatchalian. Tinukoy ng senador ang BIR Revenue Memorandum Circular (RMC) 5-2024, na nagsasaad na ang mga…
Read MoreAuthor: admin 5
34 KASO NG PAGKALUNOD NAITALA NG PNP
MAY 34 kaso ng drowning incidents ang naitala ng Philippine National Police, at pinangangambahang madagdagan pa ang 29 na bilang ng nasawi sa pagkalunod dahil sa tatlo katao pa ang idineklarang nawawala nitong Semana Santa. Sa datos ng PNP nitong paggunita ng Mahal na araw, 29 na ang naitalang nasawi dahil sa pagkalunod habang may tatlong indibidwal pa rin iniulat na missing o hinahanap pa. Wala namang naitalang malalaking krimen ang PNP sa panahon ng Semana Santa kung saan may 56 reported Holy Week-related incidents kabilang ang 34 na may…
Read MoreNO MARITIME INCIDENT SA HOLY WEEK – PCG
WALANG maritime incident na naitala sa mga pantalan noong Semana Santa habang nagbabalik na sa Metro Manila ang mga manlalakbay nitong Linggo ng Pagkabuhay, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, bagama’t bumuhos ang ulan sa ilang bahagi ng bansa noong nakaraang mga araw, nanatiling kalmado ang dagat. Gayunman, sinabi ni Balilo na hindi pa rin nagpaka-kampante ang PCG at ginawa ang lahat ng security measures para makauwi nang maayos ang mga kababayan at walang maitalang maritime accidents. Sa kabuuan, nasa…
Read MoreP72-M MARIJUANA NASAMSAM SA BENGUET
TINATAYANG umabot P72 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR), PNP Tuba MPS, PDEU/PIU, PIDMU – Benguet, PDEA – Baguio-Benguet, PDEA – CAR, RSET, at 2nd PMFC-Benguet PPO, sa inilatag na buy-bust operation laban sa sinasabing bigtime na tulak ng marijuana sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet. Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkasamsam sa 600 kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, nakabalot sa black plastic sheets at sa medyas, na umabot sa…
Read MoreJEEP GALING OUTING SUMALPOK; 2 PATAY, 22 SUGATAN
BATANGAS – Patay ang driver at isa pang sakay habang 22 pa ang sugatan nang ang sinasakyan nilang jeep ay sumalpok sa isang puno sa Barangay Malabrigo, sa bayan ng Lobo sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Ayon sa report ng Lobo, Batangas Police, galing sa outing sa isang beach resort sa nasabing barangay ang mga biktima at pauwi nang mangyari ang insidente sa barangay road mag-aalas-5:00 ng hapon. Lumulusong sa kurbadang bahagi ng daan ang jeep nang mawalan dito ng kontrol ang nagmamanehong si Alberto Urriza. Nagpagewang-gewang ang jeep…
Read MoreKAMARA SISILIPIN PROBLEMA SA RFID SA TOLLWAYS – TULFO
MAKIKIALAM na ang pamunuan ng Kamara de Representantes hinggil sa problema sa mga radio frequency identifications (RFIDs) sa mga tollways. Ito’y matapos hindi magustuhan ng House leadership ang buhul-buhol na traffic sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Miyerkoles Santo bunsod ng problema sa mabagal o hindi mabasang RFIDs sa mga sasakyan. Ayon kay House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo, nakatakdang pulungin ni House Speaker Martin Romualdez ang pamunuan ng NLEX, maging ng SLEX kasama ang Toll Regulatory Board (TRB). Aniya, nais malaman ni Romualdez kung may ginagawa na silang…
Read MoreMALACAÑANG NAGTALAGA NG PANSAMANTALANG PNP CHIEF
ITINALAGA bilang pansamantalang pinuno ng Philippine National Police si PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Emmanuel Peralta, ang number 2 man ng 225 thousand strong police force. Si Lt. General Peralta na miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991, nagsilbing pinuno ng PNP directorial staff at naging hepe ng Police Regional Office 1 sa Ilocos Region, ay pansamantalang ihahali na nabakanteng pwesto ni Gen. Benjamin Acorda, na tuluyan nang nagwakas ang termino kahapon, Easter Sunday. Base sa lumabas na memorandum mula sa Office of the President, na…
Read MoreVILLAR SUMUNGKIT NG UNAP AWARDS
Nasa larawan sina (L-R) President ITIP- Atty. Joey Lina; UNAP Global President -Roderick C. Cruz; Comm. Joseph Sevilla; UNAP National President-Dr. Ramona Ines Bustamante-Raneses; Sen Cynthia Villar; UNAP Regional Chapter President- Comm. Bai Norhata M. Alonto; at UNAP Luzon Chapter President- Atty. Alex Nepomoceno. TUMANGGAP ng Human Rights Awards for Poverty Alleviation si Senator Cynthia Villar mula sa United Nations Association of the Philippines (UNAP). Ang parangal ay para sa kanyang mga inisyatiba sa pagtanggal ng kahirapan at pagpapanatili ng isang malusog na kapaligiran. Ang natatanging parangal ay ibinigay sa…
Read MoreACT-AGRI KAAGAPAY UMAALALAY SA PILIPINO
MULING ipinamalas ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pamumuno ni Ms. Virginia Ledesma Rodriguez ang malasakit at pagkalinga sa kapwa makaraang mamigay ng pagkain at mineral water nitong Semana Santa sa libu-libong Pilipino. Unang namigay ang grupo ni Ms. Rodriguez sa mga namamanata at nagsasagawa ng Visita Iglesia sa Simbahan ng Balut at Gagalangin sa Tondo noong Huwebes Santo habang sa Quiapo, Maynila at Payatas, Quezon City naman namigay noong Biyernes Santo. Kasama ang mga lokal na lider ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pangunguna ni Ronald Castillo, sa kanilang pagtulong sa mga “less…
Read More