150 MOUNTAIN BIKES NG MPD BINASBASAN

BINASBASAN ni Manila Police District Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang 150 mountain bikes sa quadrangle ng MPD- Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila kasama si PBGen. Andre P. Dizon. (Photo by: JON-JON REYES)

BINASBASAN ni Manila Police District Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang 150 mountain bikes sa compound ng Manila Police District Headquarters sa United Nation Avenue, Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang pagbabasbas sa mga mountain bike ay sinaksihan nina MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, Police Colonel Raul Tacaca, Deputy District Director for Administration; Police Colonel Dario Menor, Deputy District Director for Operation; Chief District Directorial Staff, Police Colonel Julius Cecil Ordoño, at Police Colonel Igmedio Bernaldez ng District Logistic Division, bandang alas-4:00 ng hapon.

Napag-alaman mula kay Major Ines, ang 100 mountain bike ay ipinagkaloob ng Association of Police Officer’s Via Lateral Entry (APOLE), sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., na pangulo ng APOLE.

Ang 50 mountain bikes naman ay ipinagkaloob ng Chinese community sa pangunguna ni Retired Major General Roberto “Boysie” Rosales na dating MPD Director.

Nabatid  kay General Dizon, ang 150 mountain bikes ay hahatiin sa 14 na istasyon ng MPD, upang gamitin sa pagpapatrol ng kani-kanilang mga tauhan upang mapabilis ang pagresponde lalo na kapag sobrang trapik. (RENE CRISOSTOMO)

181

Related posts

Leave a Comment