17 MALAYSIAN NAT’LS SINAGIP SA CAVITE

CAVITE – Labing-pitong Malaysian nationals ang sinagip ng local police at Malaysian Police matapos na magreklamo sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga dayuhang sinagip na sina Steve Sim Vui Leong; Kong Seeing Hock; Lai Yen Fan; Tiu Yong Yong; Tommy Wong Chiong Ming; Jane Liong Siew Jiun; Chua Wei Tung; Ang Kian Long; Antonio Alex Samuel: Stephen Pang Ying Kwong; Simon Chee Yung Fock; Stephanie Sim Do Do; William Law Hing Liong; Bong Ju Fong; Algyen David; Yaw You Ming at Jalan Rambai Paya Terubong

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Anthony T. Dealca ng Kawit Police Station, sinagip ang 17 Malaysian nationals bunsod kanilang reklamo na gusto na nilang umalis sa kanilang pinapasukan dahil sa hindi magandang pagtratrato sa kanila ng kumpanya at sa kagustuhan makaalis na rito.

Dahil dito, sa koordinasyon mula sa Directorate for Intelligence, dakong alas-10:45 ng gabi, nagsagawa ng joint operation ang Regional Intelligence Division (RID) 4A, sa pamumuno ni Police Lt. Colonel Melvin Montante, Police Intelligence Unit (PIU) Cavite PPO, Kawit Police at Royal Malaysian Police Attaché, sa Klaire One Corp sa Brgy. Congbalay, Kawit, Cavite at sinagip ang naturang mga dayuhan.

Ang nabangggit na mga dayuhan ay nasa kustodiya na ng Malaysian Embassy. (SIGFRED ADSUARA)

132

Related posts

Leave a Comment