2 TIMBOG SA P1.5-M DROGA, BOGA

MAHIGIT sa P1.5 milyong halaga ng shabu, marijuana at baril ang nasamsam sa dalawang lalaki sa police operation sa Caloocan City.

Paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at Comprehensive Dangerous Drugs  Act of 2002 ang haharaping kaso nina Emmanuel Joseph Bendal, 31, at Jess Noriega, 41.

Bandang alas-5:00 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek na nag-alok ng kalibre .45 caliber pistol sa halagang P10,000 sa 7th Avenue, Brgy. 54.

Pagdating ng mga suspek sa pinag-usapang lugar, sinalubong sila ng undercover at iniabot ang marked money kapalit ng baril, at nang kunin ng mga suspek ang salapi ay agad na silang dinamba.

Bukod sa ibinebentang baril, nakuha rin sa mga suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000, pinatuyong dahon ng marijuana na 30 gramo ang timbang at P168,000 ang halaga, marked money, cellular phone, dalawang magazine ng kalibre .45 at 14 na bala nito. (ALAIN AJERO)

57

Related posts

Leave a Comment