3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NA-INTERCEPT SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong biktima ng human trafficking bago makasakay sa kanilang flight palabas ng bansa.

Ayon sa report, nakatakdang mag-board ang tatlong ito sa kanilang Air Asia flight patungong Bangkok, Thailand ngunit naharang ng Immigration officers dahil sa kaduda-dudang kinikilos ng mga ito.

At makaraan ang isinagawang question and answer, inamin ng tatlo na natanggap sila bilang mga Customer Service representatives ng isang kumpanya sa Vientiane, Laos.

Ayon kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) head Ann Camille Mina, inamin din ng mga ito na ibinigay ang kanilang mga dokumento sa airport, ilang oras bago ang kanilang departure.

Ang tatlong ito ay agad na-turn over sa mga tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sumailalim sa imbestigasyon, kasunod ang paghahain ng kaso laban sa kanilang recruiters. (FROILAN MORALLOS)

23

Related posts

Leave a Comment