3 NAARESTO SA P107K SHABU BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang P170,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang tatlong hinihinalang tulak  sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Noraima Saripada, Bitoon Datoon at Jennifer Pallen, pawang nasa hustong edad at residente ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City.

Nabatid sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police sa Kabulusan, Brgy. Zapote 1, Bacoor City na nagresulta sa pagkaaresto sa tatlo.

Nakumpiska sa mga suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000, buy-bust money at cellular phone. (SIGFRED ADSUARA)

85

Related posts

Leave a Comment