3 PATAY, 5 SUGATAN SA NABUWAL NA PUNO

HINDI na naisalba ng mga manggagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang tatlong indibidwal, kabilang ang 2-anyos na lalaking paslit, nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng balete ang ilang bahay sa maliit na eskinita sa Estero de Magdalena sa Claro M. Recto Avenue, Binondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Edcel Lansiola, 42, at mag-amang Jomar Portillo, 28, at John Mark Portillo, 2-anyos.

Lima naman ang iniulat na bahagyang nasugatan sa nasabing insidente.

Sa ulat ni Det. Zoilo Nazario kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-12:46 ng madaling araw nang mabuwal ang malaking puno at nabagsakan ang mga kabahayan.

Kabilang sa mabilis na rumesponde ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, commander ng MPD Meisic Police Station 11. (RENE CRISOSTOMO)

131

Related posts

Leave a Comment