3 WANTED NALAMBAT SA CALOOCAN

PINURI ni Caloocan City Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan ang pulisya ng lungsod sa dagling pagsisimulang linisin ang listahan ng mga most wanted person ng lungsod, matapos na iharap sa kanya ang ilang nasakoteng wanted suspects.

Ani Malapitan, iprinesenta ng pulisya sina Christian Madrona, ikatlo sa most wanted sa kasong rape; Sonny Abrasaldo, high value individual sa kasong attempted murder, robbery hold-up at pagkakasangkot sa ilegal na droga, at Ricardo Dela Cruz, high value individual sa kasong pagnanakaw o theft at pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa punong-lungsod, nagpapasalamat siya sa pulisya sa agaran nitong pagtugon, at inaasahan niya ang patuloy na pagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa lungsod. (ALAIN AJERO)

64

Related posts

Leave a Comment