RIDING IN TANDEM PATAY SA TRAILER TRUCK

KAPWA itinanghal na bangkay ang magka-angkas sa motorsiklo nang mabundol ng trailer truck nitong Martes ng madaling araw sa panulukan ng United Nations Avenue at San Marcelino St., Ermita, Manila.

Kinilala ang dalawang biktimang sina Jake Tiburania, nagmamaneho ng motorsiklo, at Brix Deuna Urot, backrider, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Rodriguez, Rizal.

Batay sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa naturang lugar

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawang biktimang lulan ng motorsiklo ang westbound ng UN Avenue habang ang tractor head na may trailer (DCQ 6565) na minamaneho naman ng isang Randy Layda, ay binabagtas ang southward ng San Marcelino Street.

Pagsapit sa intersection, ang harapang bahagi ng motorsiklo ay nabundol ng tractor head naging dahilan upang tumilapon ng ilang metro ang mga biktima na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.

Nahaharap ang driver ng trailer truck ng kasong 2 counts ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. (RENE CRISOSTOMO)

69

Related posts

Leave a Comment