5 ILLEGAL ALIENS TIMBOG SA BI

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang illegal aliens sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng BI Intelligence Division sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon sa report ng BI Intelligence Division na nakarating sa opisina ng Immigration sa Intramuros, Manila, ang limang dayuhan ay kinabibilangan ng dalawang Indian national, isang American citizens, Pakistani, at Vietnamese national.

Batay sa impormasyon, ang American national na si Victor Florendo Carpiso ay nahuli noong Abril 28 sa kanyang pinagtataguang bahay sa Baguio City.

Kasunod nito, magkakasabay naaresto noong Mayo 4 ang dalawang Indian national na sina Tejinder Singh, at Prakash Raj Ramara at ang Pakistani national na si Saleem Khan sa Calbayog City, Agoo, La Union at Legaspi City, Albay.

At si Tran Van Thung ay nahuli habang nagtitinda ng retail goods malapit sa UV Express terminal sa SM North EDSA Mall. (FROILAN MORALLOS)

81

Related posts

Leave a Comment