6 PUGANTE NASAKOTE SA CAVITE

CAVITE – Anim na mga pugante ang hawak na ng Cavite Police makaraan ang isinagawang operasyon laban sa most wanted persons (MWPs) sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Sa Tanza, Cavite, naaresto si Reynold Climacosa y Manalo, 51, sa Brgy. Daang Amaya 1, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa. Inirekomenda ng korte na maglagak ang suspek ng P18,000 halaga ng piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Inaresto rin sa bisa ng WOA si Edwin Badjos, rank no. 9 MWP, sa Brgy. Anabu 2C, Imus City, dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 (Violence against Women and their Children Act)

Inaresto naman sa kasong estafa sa bisa ng WOA, si Elsa Dioso y Agulto, 54, sa Brgy. San Agustin 3, Dasmariñas City.

Sa Ternate, Cavite, arestado si Jayson Casaul y Catalasan, 46, sa Brgy. Poblacion 3, dahil sa kasong attempted murder.

Inaresto sa kasong paglabag sa Section 950 ng RA 8550 (Philippine Fisheries Code of 1998) ang suspek na si Greg Calixton y Solis, mangingisda, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Kanluran, Rosario, Cavite.

Habang pansamantalang nakalaya si Ronaldo Taggueg Paddayuman matapos na naaresto sa Brgy. Manggahan, Gen. Trias City sa kasong attempted parricide, makaraang maglagak ng piyansa. (SIGFRED ADSUARA)

94

Related posts

Leave a Comment