Apela sa CA ibinasura AMPATUAN MANANATILI SA BILIBID

BIGO ang kampo ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan na mailipat sa medical facility sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa 9 na pahina na inilabas noong Hulyo  4, ibinasura ng Court of Appeals ang hiling ng abogado ni Ampatuan makaraan umanong hindi pumayag si Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes noong 2020 sa gusto ng kampo ni Ampatuan na mailipat ng medical facilities ang dating gobernador.

Umapela sa korte ang dating gobernador para umano sa kaligtasan nito noong kasagsagan ang pandemya. Ang desisyon ay bunsod na rin ng mababang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan.

Ayon sa korte, ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim pa ng Alert Level 1 mula Abril. Nakapagtala na rin umano ng 27,879 persons deprived of liberty ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang marami na ang tumanggap ng booster shots.

Sa edad na 54, si Ampatuan ay kasalukuyang binubuno ang habambuhay na pagkabilanggo matapos mapatunayang sangkot sa 57 counts ng murder kaugnay sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 2009.

Kabilang sa mga biktima ang 32 journalists at mga miyembro ng Mangudadatu clan dahil sa away-politiko. (RENE CRISOSTOMO)

56

Related posts

Leave a Comment