SUPERMARKETS SA MAYNILA SINUYOD KONTRA PRICE HIKE

NASORPRESA ang ilang supermarkets sa lungsod ng Maynila nang mag-inspeksyon ang Department of Trade and Industry o DTI kaugnay ng mga produkto na maaaring magkaroon ng price adjustments.

Kasunod ito ng natatanggap na “request” ng DTI  para sa “price adjustment” ng iba’t ibang mga produkto.

Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, mayroon nang natanggap na hiling ang DTI ukol dito pero ginagawa pa raw ang review rito ng Consumer Protection and Advocacy Bureau.

Gayunman, daraan pa aniya sa mabusising pag-aaral at kung ano man ang maging rekomendasyon ay isusumite kay DTI Sec. Fred Pascual.

Bagama’t may mabigat na dahilan, sinabi ni Castelo na kailangan aniyang pag-aralan nang mabuti ang price adjustment at hintayin ang iba pang datos. (RENE CRISOSTOMO)

54

Related posts

Leave a Comment