Biktima dating live-in partner RESERVIST NG ARMY, 1 PA NABITAG NG CIDG SA EXTORTION

kulong

ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Quezon City District Field Unit ang isang dating reservist ng Philippine Army at isa pa sa reklamong robbery extortion na isinampa ng dating live-in partner ng isa sa mga suspek sa Fort Bonifacio, Taguig City noong Hulyo 5, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina Brendie de Guzman y dela Cruz, sinampahan ng kasong robbery extortion at qualified theft, at Giovani Santi Magbiray y Reyes, kinasuhan ng robbery extortion.

Ang mga suspek ay inaresto sa pamamagitan ng CIDG Flagship Project OPLAN OLEA, OPLAN PAGLALANSAG OMEGA and OPLAN SALIKOP (Entrapment Operation).

Ayon sa  ulat, nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek sa reklamo ng biktimang si Technical Sergeant Jenally Jally Sobrepeña, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa ASCOM.

Sinabi ng biktima, nangyari ang insidente sa loob ng ASCOM Cooperative Canteen sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Aniya, kinikikilan siya ng pera ni De Guzman at ibinunyag na ito ay dati niyang live-in partner. Aniya, sa kanilang relasyon bilang magpartner ay nakaranas siya ng psychological harm na nagdulot sa kanya ng mental o emotional suffering at economic abuse.

Nabatid sa imbestigasyon, noong Abril 29, 2022, kinuha umano ni De Guzman ang Glock 17 Gen4 caliber 9mm pistol na mula sa Philippine Army na nakaisyu sa biktima.

Humingi umano ang suspek sa biktima ng P356,000 para ibalik sa huli ang nasabing baril.

Bunsod nito, agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto kay De Guzman ngunit hindi nito dala ang nasabing baril.

Dahil dito, ibinunyag ni De Guzman ang kasabwat niya sa krimen na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Magbiray na siyang may hawak ng nasabing baril.

Nabatid na ang mga suspek ay mga miyembro umano ng Cassandra Galvez alyas “Major Galvez group” na sangkot sa fraudulent recruitment ng Philippine Army applicants at fraudulent processing ng AFP personnel loan applications.

99

Related posts

Leave a Comment