Isusulong sa Kamara QC ‘HOLLYWOOD OF THE PHILIPPINES’

NAIS ng isang bagitong mambabatas na ideklara ang Quezon City bilang Film and Television Arts Capital of the Philippines o bilang ‘Hollywood of the Philippines’.

Sa  kanyang House Bill (HB) No. 475, sinabi ni Quezon City Rep. Arjo Atayde na panahon na para kilalanin ang Lungsod Quezon bilang Kapitolyo ng film, television and arts hub ng bansa  dahil dito aniya nakasentro ang nasabing mga industriya.

“Nagsisilbing creative hub ang QC lalo na sa film at tv, kaya napapanahon na kilalanin at gawing opisyal. Recognizing the city as the country’s Film and Television Arts Capital would help direct efforts to preserve our film and tv heritage and improve the industry,” ayon sa actor-turned politician.

Ipinaliwanag ng mambabatas na sa Quezon City matatagpuan ang pangunahing tanggapan ng mga tv at film studios ABS-CBN, GMA Network, NET 25, UNTV, at People’s Television Network.

Maging ang malalaking kumpanya na gumagawa ng mga pelikula tulad ng Star Cinema, GMA Films, OctoArts Films, FPJ Productions, at TBA Studios ay nakabase aniya sa Quezon City.

Nasa Diliman Quezon City din ang University of the Philippines Film Institute (UPFI) kasama ang MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board.

Kapag naipasa ang nasabing panukala, aatasan ang Department of Tourism (DOT) na makipagtulungan sa Local Government Unit (LGU) ng lungsod para maglunsad ng tourism para sa nasabing industriya.

Naniniwala ang mambabatas na makatutulong ang nasabing panukala para mapalakas ang turismo sa lungsod sa kapag idineklarang “Hollywood of the Philippines” ang lungsod.

“The government must endeavor to promote Quezon City not only as a tourist destination for film and television viewers here and from around the world, but as source of inspiration for future filmmakers and television producers who will carry on the proud legacy of our industry for generations to come,” paliwanag pa ng mambabatas sa kanyang panukala. (BERNARD TAGUINOD)

44

Related posts

Leave a Comment