BOGA NI KAP TINANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang hinihinalang akyat-bahay na tumangay sa dalawang baril ng isang barangay chairman sa Tagaytay City noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Arnaldo Rotap y Quiazon ng Brgy. Maitim ll West, Tagaytay City, Cavite, at San Diego St., Sampaloc, Manila.

Inilarawan ang suspek na isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at tinatayang may taas na 5″4.

Ayon sa reklamo ni Kap kay Corporal Dexter II Alibutdan ng Tagaytay City Police, alas-3:15 ng madaling araw nang nagising siya nang naramdaman na tila may naglalakad sa bubong ng kanilang bahay sa Brgy. Maitim II West, Tagaytay City.

Mula sa paglalakad sa bubong, tumalon at tumakbo ang suspek sa likurang bahagi ng kanilang bakuran.

Inalerto niya ang mga kasama niya sa bahay subalit nang magsagawa siya ng beripikasyon, nalaman niya na tinangay ng akyat-bahay ang dalawang bag na naglalaman ng kanyang mga baril at dokumento.

Hindi naman binanggit sa report kung anong klaseng mga baril ang tinangay ng akyat-bahay. (SIGFRED ADSUARA)

226

Related posts

Leave a Comment