CRIME RATE SA MAYNILA BUMABA

KAPANSIN-PANSIN ang pagbaba ng krimen, simula nang maupo si Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Dizon, dahil sa naging direktiba nito sa kanyang mga tauhan na magpatrolya sa lansangan, gayundin ang mobile patrol groups.

Layunin ng heneral na ipagpatuloy ang kanyang programa para sa mabilis sa paggawa ng aksyon sa pagtugon sa anomang krimen o insidenteng magaganap sa lungsod 24/7

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), para sa kaligtasan ng lahat sa lungsod, sisikapin na makararating ang agarang tugon ni General Dizon sa kanyang puwersa kapag nakatanggap ng saklolo o tawag ng tungkulin mula sa mamamayan sa oras ng kagipitan.

Titiyakin din ng heneral na magpapatuloy ang kanilang ginagawang pagpapatrol sa mga police station sa lungsod para maalerto ang mga pulis at tuluyang mabawasan at mawala ang masasamang elemento sa lungsod.

Magpapatuloy din ang programang “Oplan Galugad “, Oplan Saliksik” at ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation at ang programa ng NCRPO, ang “Seen, Appreciated Felt police officers thru Extraordinary deeds” (SAFE) sa pangunguna ni NCRPO Regional Director, Police Major General Edgar Allan Okubo. (RENE CRISOSTOMO)

88

Related posts

Leave a Comment