ULO NG OBRERO NABIYAK SA BUMAGSAK NA DEBRIS

NAMATAY noon din sa pinangyarihan ng insidente ang isang 34-anyos na construction worker makaraang mabagsakan ng mga debris sa ginagawang gusali sa MH Del Pilar Street, Barangay 701, Malate, Manila noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Joseph Zamil y Delgado, crew ng William Hauling Services, tubong Bato-Bato, Libacao, Aklan, at residente sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-10:10 ng umaga nang makatanggap ang kanilang himpilan sa Malate Police Station 9, hinggil sa isang laborer na nabagsakan ng mga debris.

Ayon sa tatlong kasamahan ng biktima, bandang alas-8:30 ng umaga, naghahakot sila ng mga debris sa loob ng elevator sa ika-3 palapag ng gusali, habang nakatayo ang biktima sa gilid ng elevator para ikarga ito sa backhoe. Ngunit biglang umanong may nahulog na mga debris at nabagsakan ang biktima na ikinabiyak ng  ulo nito. (RENE CRISOSTOMO)

95

Related posts

Leave a Comment