ESTUDYANTE NA-GANG RAPE NG 4 KAINUMAN

RIZAL – Isang estudyante ang ginahasa ng kanyang apat na mga kainuman sa birthday party ng isa sa mga suspek sa Antipolo City.

Ayon sa report ng Antipolo City Police, nangyari ang umano’y gang rape sa biktima sa Flores farm sa Sitio Cabading, Antipolo City noong Linggo ng madaling araw.

Ang dalawa sa mga suspek na parehong naaresto na ay mga kaklase ng biktima.

Ayon sa report, ang biktima ay inimbita ng kaklase na si Roland para sa birthday celebration nito kasama ang isa pa nilang kaklase na si John Anrie  at dalawang barkada nito na sina Red at AJ.

Nag-inuman ang mga ito at pinainom din ang biktima hanggang sa malasing at makatulog na ito.

Laking gulat ng biktima nang magising ito na nakaupo sa isang silya at wasak na ang damit at underwear habang pinaghihipuan umano siya ng dalawa sa mga suspek.

Pagkaraan ay binuhat umano siya papasok sa kuwarto ng suspek na si John Anrie at tuluyang pinagsamantalahan.

Pagkatapos ni John Anrie, sumunod namang nagsamantala ang tatlo pang mga suspek.

Nang makauwi sa bahay, tinawagan ng biktima ang kanyang guro at doon ipinagtapat ang pangyayari.

Kasama ang ina ng biktima, nagharap ng reklamo ang mga ito sa pulisya na kaagad ikinaaresto nina Roland at John Anrie.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawa pang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

690

Related posts

Leave a Comment