FACE MASK MANANATILI SA LRT, MRT, PNR

MANANATILI pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng facemask sa lahat ng tren ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, ang pagsusuot ng face masks ay mananatiling mandatory sa loob ng mga tren bilang pag-iingat laban sa virus.

Dagdag pa ni Aquino, mandatory din ang pagsusuot ng face mask sa loob ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 stations. Pero magiging opsyonal ang patakaran para sa mga istasyon ng PNR dahil lahat ng mga ito ay open air space.

Hinikayat din ni Aquino ang mga Pilipino na maging mapagmatyag at hinimok ang mga mananakay na protektahan ang kapwa komyuter sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask sa kabila na marami na ang nakatatanggap ng booster shots laban sa virus. (RENE CRISOSTOMO)

101

Related posts

Leave a Comment