FINAL TESTING NG VCMs SA CAVITE NATAPOS NA

MAAYOS ang final testing at sealing ng 426 Vote-Counting Machines (VCMs) sa 75 voting centers sa 116 barangays ng lungsod ng Trece Martires at mga bayan ng Amadeo, Indang at Tanza sa Cavite City.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), walang pumalyang makina o SD card ang lahat ng VCMs maliban sa paper jam na naremedyuhan naman kaagad.
Ang final testing at sealing ay bahagi ng mga huling proseso ng Automated Elections System (AES) bilang paghahanda sa gaganaping Special Elections para sa kongresista ng 7th District ng Cavite ngayong darating na Pebrero 25.

Kasama sa aktibidad sina Chairman George Garcia at Commissioner Nelson Celis sa Clustered Precinct No. 11 ng Brgy. Amaya sa Amaya Elementary School sa Tanza. (RENE CRISOSTOMO)

81

Related posts

Leave a Comment