HIGH RISK AREAS SA MINDANAO TUTUKAN NG AFP

TINIYAK ni Armed Forces of the Philippine-Western Mindanao Command chief, Lt. General Steve Crespillo na nagpapakita sila ng dagdag na puwersa sa itinuturing na high risk areas bago pa sumapit ang October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Inihayag ng heneral na magde-deploy ang militar ng mga tauhan nito upang maging katuwang ng PNP sa monitoring lalo na sa lugar na mataas ang antas ng karahasan.

Pahayag ni Lt. Gen Crespillo, ibibigay ng Western Mindanao ang kanilang ‘best effort’ para matiyak ang seguridad sa BSKE 2023.

Ayon kay WESTMINCOM Commander Maj. General Steve Crespillo, magbabantay ang militar sa Western Mindanao upang makapagbigay ng sapat at nararapat na seguridad sa mga lugar at sa publiko, kasama ang iba pang law enforcement agencies sa bansa.

Siniguro rin nito ang mahigpit na koordinasyon kasama ang kanilang counterpart upang magkaroon ng coordinated effort sa pagtiyak sa seguridad ng buong Mindanao.

Una nang nagsagawa ng pagpupulong ang stakeholders sa bahagi ng Mindanao, na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard (PCG), AFP, PNP, at maging ang COMELEC.

(JESSE KABEL RUIZ)

233

Related posts

Leave a Comment