HILING NG PAMILYA, NASAWING HK OFW MAIUWI NA

NAIS ng pamilya ng OFW na nasawi sa pagkahulog sa apartment building sa Hongkong, na maiuwi na kaagad sa bansa ang labi ng kanilang kapamilya.

Kahapon din ay inihanda na ng pamilya ang lugar na pagbuburulan kapag naiuwi na ang labi at marami na ring mga kaanak ang nakikidalamhati at naghihintay sa pag-uwi sa labi ng biktima.

Plano ng pamilya na iburol ito ng ilang araw sa kanilang tahanan sa bayan ng Candelaria sa Quezon bago ito ihatid sa huling hantungan.

Ayon sa mga magulang ng biktima, wala silang nais ngayon kundi ang maiuwi agad ang labi nito.

Bagama’t masakit anila sa kanila ang pangyayari sa sinapit ng anak, wala naman silang balak pa na magharap pa ng reklamo laban sa employer nito sa Hong Kong dahil naniniwala silang aksidente ang pangyayari.

Nagpasabi na rin umano sa kanila ang employer na nakahanda itong tumulong sa lahat ng gastusin sa repatriation at sa iba pang gastusing pinansyal na kakailanganin ng pamilya. (NILOU DEL CARMEN)

231

Related posts

Leave a Comment