ILANG BAHAGI NG CALOOCAN, WALANG TUBIG

WALANG dadaloy na tubig sa ilang bahagi ng Caloocan City sa Enero 17 hanggang 23.

Inanunsyo ng Maynilad Water Service, Inc. (MWSI) na makararanas ng water interruption ang ilan sa kanilang mga customer sa Caloocan at Quezon City mula Enero 17 hanggang 23.

Sinabi ng Maynilad, ang mga pagkaantala ay dahil sa nakatakdang maintenance activities sa iba’t ibang barangay sa lungsod na bahagi ng patuloy na pagsisikap nito na mapabuti ang kanilang mga serbisyo.

Ang mga bahagi ng barangay 8,12,14,16, 18, 33, 34, at 151 sa Caloocan City ay walang tubig simula alas-11:00 ng gabi sa Enero 17 hanggang alas-4:00 ng umaga sa Enero 18 dahil sa maintenance activities sa mga kanto ng mga lansangan ng Langaray at Dagat-dagatan, Progreso at Pangako, at Estanislao.

Magkakaroon din ng water interruption simula 11 p.m. sa Enero 19 hanggang 4 a.m. hanggang Enero 20 sa Barangay 148 ng Caloocan City. Ang maintenance work ay gaganapin sa kanto ng katarungan at Reparo Streets.

Ang network maintenance work sa kanto ng Tullahan Street sa lungsod ay magdudulot din ng water interruption sa Barangay 162 sa Enero 20 ng alas-11:00 ng gabi, hanggang Enero 21 ng alas-4:00 ng madaling araw. (ALAIN AJERO)

27

Related posts

Leave a Comment