KAMBAL, 4 PA PATAY SA QUIAPO FIRE

ANIM ang namatay, kabilang ang kambal, sa nangyaring sunog nitong Huwebes ng madaling araw sa Quiapo, Manila.

Kinilala ang mga namatay sa sunog na sina Cheska Celine at Cheska Camille Perito, mga kamag-anak na mag-asawang sina Jofae Mae Porio at Rol Daniel Cayetano at ang kanilang anak na si Ronan Cyrus Cayetano, at isang hindi pa kilalang  kapitbahay.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang mga kabahayan ng 500 pamilya sa panulukan ng Arlegui at Concepcion Aguila Streets, sakop ng Barangay 387, Zone 39 sa Quiapo.

Nabatid sa report ng Arson Division, ayon sa salaysay ng ilang mga residente, dakong alas- 2:34 ng madaling araw, bigla silang nakarinig ng malakas na pagsabog kasunod ang makapal na usok kaya dali-dali silang lumabas ng bahay upang isalba ang kanilang sarili.

Makaraan ang mapping operation, anim na biktima ang naitalang tinupok ng apoy, apat ang nawawala, at unang natagpuang patay ang dalawang indibidwal.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division ng Bureau of Fire upang mabatid kung sinadya o may iba pang dahilan ng sunog. (RENE CRISOSTOMO)

36

Related posts

Leave a Comment