LADY TRADER, LIVE-IN PARTNER INAMBUS SA KORTE PATAY

BATANGAS – Patay ang isang babaeng negosyante, at live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa labas ng municipal court sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang si Rosola Vivas at ang live-in partner nito na si Clement Jalijali, mga residente ng Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report ng Nasugbu Police, kagagaling lang ng dalawa sa loob ng municipal court makaraang dumalo sa hearing, subalit habang naglalakad ang mga ito sa kalsada sa gilid ng korte patungo sa sasakyan, bigla na lamang silang nilapitan ng naghihintay na suspek at pinagbabaril.

Dead on the spot ang babae dahil sa tama ng mga bala sa iba’tibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa ospital ang ka-live-in nito subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Agad nagresponde ang ilang mga pulis na nagkataong nasa loob ng trial court subalit mabilis na nakatakas ang suspek na umano’y sumakay ng isang motorsiklo na ipinarada sa hindi kalayuan sa crime scene.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo at kung sino ang suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

381

Related posts

Leave a Comment