PARA DUMAMI ANG TURISTA, eTRAVEL REQUIREMENT PINABABASURA

KUNG nais ng gobyerno na maparami ang mga dayuhang turista, kailangang tanggalin na ang umano’y nakapapagod na eTravel requirements para sa mga pasaherong pupunta sa Pilipinas.

“A lot more people can be enticed to go to the Philippines, whether for pleasure or business, if we were to get rid of the E-Travel document that is so tedious,” ani Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.

Ayon sa mambabatas, bukod sa nakapapagod ay nauubos umano ang oras ng mga gustong pumunta sa Pilipinas dahil sa dami ng mga dokumentong kailangan nilang irehistro sa eTravel.

Sa ngayon ay inoobliga ang inbound passengers, mga dayuhan o mga Filipino na magrehistro sa online-eTravel, tatlong araw bago ang kanilang biyahe.

Gayunpaman, maraming dokumento ang hinahanap sa inbound passengers tulad ng patunay na kumpleto na ang kanilang anti-Covid 19 vaccines at kapag hindi ay dapat may antigen test ang mga ito bago bumiyahe.

Naniniwala ang mambabatas na ang mga nakapapagod na requirement sa eTravel ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming dayuhan ang nagdadalawang isip na pumasyal sa Pilipinas kaya kailangan aniyang tanggalin na ito kung nais ng gobyerno na makabangon na ang sektor ng turismo mula sa pandemya sa COVID-19. (BERNARD TAGUINOD)

161

Related posts

Leave a Comment