LALAKI TIKLO SA TANGKANG PAGPATAY SA KADUGO

kulong

KALABOSO ang isang lalaking wanted person dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kadugo sa Caloocan City.

Dinamba sa Katarungan St., Barangay 149, Bagong Barrio, ng lungsod, dakong 9:20 ng gabi noong Nobyembre 2, ang suspek na si Arnel G. Pacursa, 43, residente ng nasabing barangay.

Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Rowena Violago Alejandria, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 121, Caloocan City, para sa kasong attempted parricide.

Pansamantalang ipiniit ang suspek sa Sub-Station 5 habang isinasaayos ang mga dokumento para sa pagbabalik ng warrant of arrest, at habang hinihintay ang paglabas ng commitment order mula sa korte. (ALAIN AJERO)

12

Related posts

Leave a Comment