LIFE SUPPORT SA DIALYSIS PATIENTS INIREKOMENDA SA KAMARA

INIREKOMENDA ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyan ng suporta ang dialysis patients habang nabubuhay ang mga ito.

Kasabay nito, inaprubahan sa pagdinig ng House Committee on Health ang panukalang batas ni House Speaker Martin Romualdez na bigyan ng kapangyarihan ang pangulo na suspendihin ang premium increase sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sa pagharap ni Dr. Romina Danguilan, NKTI Adult Nephrology Department chairperson, nais nito na suportahan ng PhilHealth ang mga pasyente na may sakit, sa kanilang dialysis.

Ginawa ni Danguilan ang pahayag bilang suporta sa tinalakay na panukalang batas sa Kamara na lagyan ng dialysis facilities ang lahat ng national, regional at provincial hospitals.

Ang nasabing panukala ay nabuo dahil ikatlo umano ang sakit sa bato sa ikinamamatay ng mga Filipino at maraming pasyente ang hindi nagpapa-dialysis dahil mahal ang nasabing proseso para madugtungan ang buhay ng mga ito.

Wala namang kahirap-hirap na pinagtibay ng nasabing komite ang House Bill (HB) 6772) ni Romualdez para magkaroon ng kapangyarihan ang pangulo ng bansa na suspendihin ang PhilHealth premium increase sa panahon ng national emergencies o calamities.

Ito ay sa kabila ng apela ni Rex Paul Recote, senior manager ng PhilHealth, na dapat pag-isipang mabuti ang panukala dahil nakasalalay sa kontribusyon ng mga miyembro ang nasabing state insurance firm. (BERNARD TAGUINOD)

134

Related posts

Leave a Comment