‘MISLEADING NARRATIVES’ SA WPS BINASURA NI BBM

HAYAGANG binasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang para sa kanya’y “misleading narratives” na ulat na ang agawan sa South China Sea ay dahil sa labanan sa pagitan ng Estados Unidos at China.

“The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely to the lens of strategic competition between two powerful countries,” ayon kay Pangulong Marcos sa intervention sa idinaos na 43rd ASEAN Summit Retreat Session.

“This not only denies us our independence, our agency, but it also disregards our own legitimate interests,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Inulit din ni Marcos Jr. ang paninindigan ng Pilipinas sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa rule of law sa pagsasaayos ng maritime disputes sa 26th ASEAN-China Summit.

“We must emphasize that practical cooperation in the maritime domain can only flourish with an enabling environment of regional peace, security, and stability, anchored in international law,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang intervention sa nasabing summit.

Ang Estados Unidos ang itinuturing na isa sa pinakamatatag at pinaka-“vocal ally” ng Pilipinas sa territorial dispute nito sa China partikular na ang usapin na may kinalaman sa bahagi ng South China Sea kung saan West Philippine Sea ang tawag ng Maynila.

Ang Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan at Vietnam ang mga bansang pumalag sa malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea.

Sa ulat, inaangkin ng Tsina virtually ang buong South China Sea at hindi pinansin ang 2016 ruling ng tribunal sa The Hague na pinabulaanan ang claims ng Beijing sa naturang teritoryo sa karagatan.

Ang kaso ay isinampa ng Pilipinas, na sinabi na dinebelop ng Tsina ang pinag-aagawan reefs sa artificial islands na may airplane runways at iba pang istruktura kaya ito ngayon ay kahawig ng mga base militar.

(CHRISTIAN DALE)

330

Related posts

Leave a Comment