2 ESTABLISIMYENTO SA CAVITE HINOLDAP

CAVITE – Nagsasagawa ng manhunt operation ang Cavite Police sa apat na ‘di kilalang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo na magkasunod na hinoldap umano ang isang gasolinahan at litsong manok stall sa magkahiwalay na lugar sa Bacoor City at Dasmariñas City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Pinaniniwalaang isang grupo lamang ang nangholdap sa Flying V gasoline station sa Brgy. bayanan, Bacoor City, at sa Andok’s sa Brgy. Sabang, Dasmariñas City.

Ayon sa salaysay ni Roxanne Balsa, empleyado ng Flying V, dakong ala-1:56 ng madaling araw nang magdeklara ng holdap ang mga suspek sa mga empleyado ng gasolinahan sa Brgy. Bayanan, Bacoor City.

Kinuha umano ng mga suspek ang pera ng mga empleyado at pinuntahan ang cashier at kinulimbat ang P4,080 na kita ng gasolinahan saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

Sa salaysay naman ni Ronald Salvador y Pontanilla Jr., 27, service crew ng Andok’s, pinasok ng mga suspek ang kanilang tindahan dakong alas-3:15 ng madaling araw at kinuha ang tinatayang P3,750 na kita nito saka mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

(SIGFRED ADSUARA)

284

Related posts

Leave a Comment