NPC SOLON ITINALAGANG CARETAKER NG VALENZUELA

ITINALAGA ni House Speaker Martin Romualdez si Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Mark Enverga bilang caretaker ng Valenzuela City 1st District na binakante ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Kasabay nito, pormal na rin tinanggap ng liderato ng Kamara ang resignation letter ni Gatchalian at inatasan ang Secretary General’s Office ng Kamara na tanggalin ang pangalan ng dating mambabatas sa roll of members.

Si Gatchalian ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang Secretary ng DSWD kapalit ni dating Secretary Erwin Tulfo na dalawang beses na na-bypassed ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA).

Dahil dito, itinalaga ni Romualdez si Enverga na kapartido ni Gatchalian, bilang caretaker sa nasabing distrito, habang hindi pa naihahalal ang papalit sa nagbitiw na congressman.

Hindi pa itinatakda ng Kamara ang special election sa Unang Distrito ng Valenzuela City subalit unang sinabi ni Romualdez na magkakaroon ng eleksyon para magkaroon ng regular na kinakatawan ng nasabing distrito sa Kamara.

Hihintay rin ang desisyon ng liderato ng Kamara kung sino ang ipapalit kay Gatchalian bilang chairman ng binakante nitong komite. (BERNARD TAGUINOD)

134

Related posts

Leave a Comment