OBRERO TINAGPAS SA LEEG, PATAY

CAVITE – Halos lumuwa ang lalamunan ng isang 34-anyos na pedicab driver nang tagpasin  sa leeg ng kanyang kapitbahay  sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Florenio Pampag Jr. y Gape, 34, ng Brgy. Panapaan 3, Bacoor City, Cavite, agad nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente
Arestado naman ang suspek na si Antonio Mades y Cagadas, 47, isang construction worker at ka-barangay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Sitio Tibag, Brgy. Panapaan 3, Bacoor City.

Bigla na lamang umanong pinagtataga ng suspek ang biktima na tinamaan sa leeg.

Dahil sa dami ng tama ng taga ng biktima, agad itong nalagutan ng hininga habang ang suspek ay tinangkang tumakas subalit naabutan siya ng nagrepondeng mga barangay Tanod.

Sinasabing matagal nang alitan ang motibo sa pagpatay ng suspek sa biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (SIGFRED ADSUARA)

45

Related posts

Leave a Comment