ONLINE SELLER NA BIBILI NG YOSI, NAKURYENTE SA TINDAHAN

BATANGAS – Namatay ang isang babaeng online seller nang makuryente sa grills ng tindahan na kanyang bibilhan ng sigarilyo sa Brgy. Calayo, sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Zharinne Kim Dela Cruz, 32, residente ng Malate, Manila.

Ayon sa report ng Nasugbu Police, bibili umano ng sigarilyo ang biktima sa isang sari-sari store dakong alas-7:00 ng gabi, nang makuryente ito nang humawak sa steel matting na siyang pansarado sa tindahan.

Bigla na lamang itong nangisay at walang malay na bumagsak sa lupa. Agad itong isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Napag-alaman na ang biktima ay nag-overnight outing sa isang resort sa nasabing lugar.

Kinukuwestyon ng pulisya ang may-ari ng tindahan kung paano nagkaroon ng daloy ng kuryente sa steel matting na nagsisilbing pinaka-grills ng tindahan. (NILOU DEL CARMEN)

167

Related posts

Leave a Comment