P100K DANYOS KADA TAON SA BIKTIMA NG MALING ALEGASYON

DANYOS sa perwisyo, abala at oras na inilagi sa loob ng piitan ang target ng Kamara para sa mga indibidwal na mapapatunayan walang kasalanan sa kasong dinidinig ng hukuman.
Sa inihaing House Bill 5029 na inakda ni Quezon City Marvin Rillo, itataas sa P100,000 (mula sa P10,000) sa bawat taong inilagi sa piitan ng mga abswelto sa kasong kalakip ng kasalanang hindi ginawa o walang kinalaman.

Pasok rin sa panukala ni Rillo ang P50,000 taunang danyos sa mga biktima ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng rape.

Ayon sa kongresista, napapanahon nang amyendahan ang Republic Act 7309 (Victims Compensation Program) na aniya’y hindi pa rin naman naipapatupad ng tama mula pa nang nagkabisa 33 taon na ang nakalipas.

“Congress must now upgrade the ceiling to reflect the changing times,” ani Rillo.

Para kay Rillo, angkop lang na tumbasan ang panahong inilagi ng isang akusado sa loob ng piitan kahit pa wala naman silang kasalanan.

Sa datos ng Philippine National Police, nakapagtala ng 5,177 rape cases, habang 4,205 naman ang kasong murder na isinampa sa korte – malayo sa 977 homicide cases sa parehong panahon.

“Victims of rape and crimes committed with malice which resulted in death or serious physical and/or psychological injuries, permanent incapacity or disability, insanity, abortion, serious trauma, or committed with torture, cruelty or barbarity,” ani Rillo. (BERNARD TAGUINOD)

570

Related posts

Leave a Comment