P212K DROGA NABUKING SA PEKENG LISENSYA

RIZAL – Bunsod ng pekeng driver’s license, nabuking sa ilegal na droga ang dalawang lalaki sa ikinasang “Oplan Sita” ng mga awtoridad sa bayan ng Angono sa lalawigang ito.

Kinilala ni PRO4A Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang dalawang naaresto na sina Prince Noblejaz, 22, at Rayven Ramirez, 24, kapwa ng Rodriguez St., Brgy. Sto. Niño, Angono.

Dakong alas-8:10 ng gabi noong Hulyo 9, nadakip ang dalawang suspek sa Manila East Road, Brgy. San Roque sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang dalawa nang sitahin ng mga operatiba dahil sa paglabag sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code dahil sa pekeng driver’s license.

Hiningian din ang backrider nito ng identification card ngunit pagbukas ng bag ay tumambad sa mga operatiba ang ilegal na droga o shabu.

Ayon sa pulisya, nakumpiska sa mga suspek ang 25 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P212,500, dalawang cellphone at isang motorsiklo. (ENOCK ECHAGUE)

60

Related posts

Leave a Comment