P5.3-M COCAINE NALAMBAT SA DAGAT

TINATAYANG umabot sa P5.3 milyong halaga ng cocaine ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Marines na nakatalaga sa 21st Marine Company/Marine Battalion Landing Team-1, na nakabase sa Barangay Bubuan, South Ubian, Tawi-Tawi.

Agad nagresponde ang mga awtoridad hinggil sa kahinahinalang bagay na nakitang palutang-lutang sa dagat na sakop ng nabanggit na barangay.

Pagsapit sa area ay nakita ng mga tauhan ng Marines ang isang plastic cellophane na naglalaman ng isang bloke ng yellowish substance na pinaniniwalaang cocaine.

Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, itinuro ng isang concerned citizen ang nasabing bagay habang namumulot ng mga basyong plastic sa dalampasigan ng Barangay Bubuan.

Ang hinihinalang droga na tumitimbang ng isang kilo ay agad na ibinigay sa pag-iingat ng PDEA Tawi-Tawi para sa kaukulang laboratory examination and proper disposition. (JESSE KABEL RUIZ)

30

Related posts

Leave a Comment