PALLGU PROGRAM PARA SA 2K MAGSASAKA SA MALOLOS SINIMULAN

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Bulacan ang pamamahagi ng P3.00 karagdagang bayad para sa aning palay kada kilo para sa mahigit 2,000 magsasaka sa ilalim ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU).

Sinabi ni Mayor Christian Natividad na ang PALLGU ay isang programa na kung saan makikinabang ang local farmers, ito ay karagdagang kita na handog ng LGU.

Nabatid na ito ay programang itinatag National Food Authority (NFA) na nagbibigay-daan sa mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita.

Sa ilalim ng programa, ang mga LGU ay papasok sa isang kasunduan sa marketing sa NFA kung saan ang una ay magbibigay ng premium na halaga, na idadagdag sa umiiral na presyo ng pagbili ng palay ng gobyerno na kasalukuyang nasa P19 kada kilo.

Direktang makikinabang sa PALLGU ang mga indibidwal na magsasaka o mga Samahang Magsasaka.

187

Related posts

Leave a Comment