Patubig sa barangay nabitin CHAIRMAN INIREREKLAMO SA ‘DI TAPOS NA PROYEKTO

NAKATENGGA ang proyektong patubig sa isang sitio sa Barangay Villabatabat, Buenavista, Quezon dahil sa hindi nakumpletong installation ng tangkeng ito na pinondohan ng mahigit P271,000 kaya kinukwestyon ng mga kagawad.

 

 

INIHAHANDA ng grupo ng mga kagawad mula sa bayan ng Buenavista, Quezon ang reklamong isasampa laban sa kanilang chairman dahil sa hindi natapos na proyekto sa kabila ng paglalaan ng pondo ng barangay para rito.

Ayon sa mga kagawad ng Barangay Villabatabat, Buenavista na sina Rafael Alfuente, Abner Agad, Alfredo dela Roca Jr., Wilson Fontanilla at Sigrido Calag, matagal na nilang kinalampag si Brgy. Chairman Teodoro C. Bana hinggil sa nasabing usapin ngunit mistula itong bingi sa kawalan ng aksyon.

Sa pahayag ng mga kagawad, noong 2018 ay inaprubahan nila ang resolusyon na mag-install ng makina gamit sa patubig na may pondong P271,000. Ang implementasyon ng proyekto ay itinakda mula Enero 2018 hanggang Disyembre ng nasabi ring taon.

Gayunman, hindi umano natapos ang proyekto kaya naiwan itong nakatiwangwang.

Sa pagtatanong ng mga kagawad sa presyo ng mga ginamit na materyales, lumalabas lamang umanong aabot sa P60,000 ang nagastos sa proyekto. Dahil dito, hinahanap nila ang natitirang pondo kay Kapitan Bana.

Naghihimutok ang mga ito dahil hindi na nakumpleto ang proyekto ay hindi rin malinaw kung saan napunta ang kabuuan ng pondo.

Anila, sa tuwing may sesyon ang barangay ay kinukwestyon nila si Bana hinggil sa proyekto partikular ang perang ginamit dito.

Aminado naman anila si Kap na nasa kanya ang P60,000 na ni-reimburse sa supplier ng materyales.

“Nasa akin ang pera, anong gusto nyo ibigay ko sa inyo?” ito umano ang laging sagot ni Kapitan Bana sa mga kumukwestyong Kagawad.

“Kung nasa kanya ang pera, ibalik niya, taong 2018 pa namin hinahanap, ngayon ay 2023 na malapit na ang barangay election. Dapat ay audited lahat bago makuwestyon ang aming

administrasyon dahil lang sa kapabayaan ng aming Kapitan. Bahala na ang tao ang humusga,” ayon sa mga kagawad na desididong ireklamo ang kanilang punong barangay upang mabigyang linaw ang usapin at maibigay ang nararapat na serbisyo sa kanilang barangay.

166

Related posts

Leave a Comment