PULIS NA-HEAT STROKE SA DUTY, PATAY

CAVITE – Pinaniniwalaang namatay dahil sa heat stroke ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang makaramdam ng hirap sa paghinga habang nagpapatrulya sa Trece Martires City noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si P/SMsgt. Joselito Alegre Amparo, 45, may asawa, ng Trece Martires City, at Patrol member ng Trece Martires City Police Station.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Frisian Marie Navarro ng Trece Martires City Police, nagpapatrulya ang biktima kasama si PSMSgt. Joseito Amparo sa kahabaan ng Conchu Hugo Perez Road ng nasabing lungsod nang makaramdam umano ito ng seizure at hirap sa paghinga.

Isinugod ang biktima sa GenTri Doctors Hospital subalit dakong alas-6:11 ng gabi ay ideklarang patay na. (SIGFRED ADSUARA)

204

Related posts

Leave a Comment